^

PSN Showbiz

Goma, tututukan ang film archive pagpasok sa Kongreso

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Goma, tututukan ang film archive pagpasok sa Kongreso

Sobrang tuwa nang mag-asawang Mayor Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres-Gomez na pagkalipas ng dalawang taon, natuloy na rin ang kanilang Pina Festival na talagang dinarayo ng mga local tourist at ilang foreigners.

Medyo maingat lang sila ngayon dahil nandiyan pa rin ang COVID, kahit pa-isa-isa na lang ang tinatamaan sa kanilang lungsod.

Inumpisahan ito sa makulay na parada at Pina Festival Queen and Grand Derby 2022 nung Linggo na kung saan  pumili sila ng Pina Festival Queen mula sa iba’t ibang paaralan.

Sabi nga ni Cong. Lucy, magta-tatlong taon na raw ang kanilang reigning Pina Festival Queen at kailangan na nilang maghirang ng bago.

Kahapon naman ay ang huling flag raising ceremony ni Mayor Goma bilang alkalde ng Ormoc City at sandali rin namin siyang nakatsikahan doon kahit kabi-kabila ang meeting niya bilang paghahanda sa pagpasok niya sa Kongreso.

Tapos na ang eleksyon at kailangan na raw nilang mag-move forward para sa kanilang lugar at wala nang kalaban sa pulitika.

Hindi na lang daw sila nagpaapekto sa mga nam-bash sa kanila nang hayagan nilang ipinakita nila ang suporta kay Pres. Bongbong Marcos.  “Nung maaga pa lang sinuportahan ko na si BBM. Then, bina-bash na kami. Sabi ko, huwag ‘nyo kaming i-bash. It’s an election exercise.

“Kung gusto n’yong manalo ‘yung kandidato n’yo, huwag kaming tirahin n’yo. Ikampanya n’yo nang mabuti. You work hard na manalo sila. So, ganun lang ‘yung message ko sa kanila.

“At least with that, bumaba ‘yung bashing namin.”

Simula sa July 1 ay si Cong. Lucy na ang uupong alkalde ng Ormoc at itutuloy lang daw niya ang mga nasimulang proyekto ni Mayor Goma na siya naman Congressman ng 4th district ng Leyte.

Kaya, bilang nasa Kongreso na si Mayor Goma, tinanong na rin namin kung ano ang maari niyang magagawa sa ating film industry.

Ang balak ng actor-politician, gusto raw sana niyang magkaroon ng film archive sa ating bansa para ma-preserve at maitago nang mabuti ang mga pelikula natin lalo na ang mga classic film na obra ng mga magagaling nating filmmakers. “Alam mo ang dami nating pelikula na hindi na-store nang mabuti. Nabubulok and inaamag. It’s very important na through the funds coming from the national government, gumawa tayo ng film archive. Nang sa ganun ma-restore natin… yung film stock.

“Kasi pag tingnan mo ‘yung mga film natin noon, nasa Quiapo na. Ginagawang torotot e. Iyun talaga ang gusto kong palakasin.

“It’s very important sa ating movie industry na meron tayong film archive, ‘yung controlled yung temperature, controlled yung humidity,” saad ng Congressman-elect Richard Gomez ng 4th district ng Leyte.

Bashers natakot sa ‘Adobash’ ni Yen!

Inunahan na ni Paolo Contis ang mga basher kaya natameme na siguro sila at hindi na nag-comment sa huling post ng Kapuso actor sa kanyang Facebook account. Nagbaon siya ng kanin at adobong baboy na luto ni Yen Santos sa studio ng All-Out Sundays nung Linggo.

Sabi niya sa caption ng FB post niya nung araw na iyun; “Ang sarap ng aking baong adobo! May libreng bashing pa yan mamaya! (laugh emoji) #Adobash (laugh emoji) thank yooouu babikwooh…”

Obviously, si Yen ang tinutukoy niyang “babikwoooh”. Kaya hintayin na lang natin kung magkakaaminan na silang dalawa o maging open na ba si Paolo sa kanyang “babikwoooh”.

Hindi na nag-comment si Yen sa FB post na iyun ni Paolo, pero sinasabi sa amin ng aktor na masarap daw talaga magluto si Yen lalo na itong adobo niya at ang caldereta.

Wala namang ginagawa ngayon si Yen at talagang pahinga muna siya sa pag-aartista kaya  tuloy ang pag-eksperimento niya ng masasarap na luto kagaya nitong adobo na parang maraming sabaw.

Sana makatikim din kami nito, Paolo!

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with