Ate Guy ‘nakapuslit’ na sa hospital, lihim na nagpasalamat kay Pres. Digong
Speaking of Malacañang, lihim pala ang pagdalaw ni Superstar Nora Aunor para pasalamatan si Pangulong Rodrigo Duterte.
Yes spotted nga ito sa Malacañang two nights ago.
Maaalalang tinanggap ng mga anak ni Ate Guy na sina Ian, Matet, Kenneth at Kiko ang parangal mula sa Pangulo para sa kanilang ina kasabay ang iba pang bagong National Artist sa sining at kultura sa formal ceremony na ginanap sa Malacanang.
Matagal-tagal nga raw na-hospital si Ate Guy at hindi agad pinayagan ng mga doctor na lumabas dahil delikado sa kanyang kalagayan.
Pero noong isang gabi raw ay pumunta ito ng Malacañang pero walang coverage at nagpasalamat lang diumano ito kay Pangulong Duterte.
Malabo ang kumalat nilang picture na magkasama ni Pres. Duterte at ang napansin ng netizens ay parang ‘bloated’ ito at baka raw nagpa-steroid dahil nga sa kanyang sakit na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya sinasabi kung ano pero kumakalat na diumano’y may COPD siya (chronic obstructive pulmonary disease).
- Latest