^

PSN Showbiz

13 years old na apo ni Apo Whang Od, pinakabatang mambabatok!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
13 years old na apo ni Apo Whang Od, pinakabatang mambabatok!
Princess Tacatac.

Mahigit apat na taon mula nang lumubog ang M/V Mercraft 3, kukumustahin ni Noli “Kabayan” de Castro ang paghahanap ng hustisya ng mga naiwang pamilya ng mga biktima ngayong Linggo (Hunyo 26) sa KBYN: Kaagapay ng Bayan.

Ilang araw bago mag-Pasko noong 2017 nang tumaob ang sasakyang pandagat. Pito ang kumpirmadong patay at lima rito ang hindi pa rin nakikita ang bangkay hanggang ngayon.

Pakinggan ang kwento ng kanilang mga pamilya at anong hustisya ang naghihintay sa kanila makalipas ang mahigit apat na taon sa bagong episode ng KBYN na umeere tuwing 5 pm sa A2Z, TeleRadyo, Kapamilya Channel at may livestrea­ming sa Kapamilya Online Live, youtube.com/ABSCBNNews at news.abs-cbn.com/live.

Ngayong Linggo, makikilala rin ng mga manonood si Princess Tacatac, ang 13-anyos na pinakabatang mambabatok na apo ng kilalang si Apo Whang Od, na ngayo’y 105 taon na.

Limang taon pa lamang si Princess nang sinimulan siyang turuan ng kanyang lola sa tradisyunal na pamamaraan ng pagta-tattoo sa Buscalan Village, Tinglayan, Kalinga. Kaya naman ngayon pa lang ay bihasa na siya sa pinangangalagaan nilang kultura.

vuukle comment

PRINCESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with