^

PSN Showbiz

Raymond, nagdesisyong ilabas ang karelasyon dahil sa mga stalker

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Raymond, nagdesisyong ilabas ang karelasyon dahil sa mga stalker
Raymond at Robert.

Alam mo, Ateng Salve, dahil may pa-face reveal na kahapon sa kanyang Instagram (@mond) si Raymond Gutierrez sa boyfriend niyang lawyer na si Robert, marami talaga ang nagulat at nagtatanong kung bakit nagdesisyon siya na gawin ‘yon?

Actually, magkasama kami ni Mond kahapon at sinabi nga niya na may ibang mga nag-i-stalk kasi sa social media accounts ng kanyang mga kaibigan para makakuha ng picture ni Robert, kaya imbes na kung anu-anong picture ang maglalabasan, siya na mismo ang naglabas ng picture ni Robert.

Hindi naman ikinakaila ni Mond ang pagkakaroon ng boyfriend at mismong pamilya niya ay suportado ang tungkol doon.

Actually, nag-graduate si Robert sa UCLA (University of California, Los Angeles) at sinaksihan ‘yon ni Mond.

Kung paano silang nagkakilala ni Robert? May common friend sila na nag-set up ng dinner at doon nga sila nagkakilala.

Pero linawin ko lang na hindi sinet up ang dinner na ‘yon para ipakilala sila sa isa’t isa. Nagkataon lang na pareho silang invited doon, huh!

Malinaw!

Anyway, hanggang middle of July pa sa ‘Pinas si Mond dahil marami pa siyang mga trabahong kailangang gawin.

Siyempre, kahit magkalayo sila ni Robert, wala namang problema dahil madali na naman ngayon ang communications dahil na rin sa iba’t ibang internet apps.

Sa ngayon, masaya si Mond na madalas niyang nakakasama ang kanyang pamilya.

Noong Friday nga, magkakasama kami sa bahay ng kanyang Ate Ruffa Gutierrez na nagpa-birthday dinner.

Siyempre, nandoroon din ang twin brother niyang si Richard Gutierrez with Sarah Lahbati and kids, kuya na si Elvis with wife Alexa and kids, and their parents, Eddie Gutierrez and Annabelle Rama.

‘Katuwa nga pala dahil after mag-come out si Mond ay mas naiintindihan siya ng mga tao, lalo na ng kanyang followers and in fairness daw, less bashers na dahil na-express na talaga niya kung ano siya!

Bongga!

Maid…, sa sinehan ipalalabas

Alam mo, Ateng Salve, sa chat namin kahapon ni Direk Darryl Yap, napagkuwentuhan namin ang Maid in Malacañang movie niya under Viva Films kung saan si Ruffa Gutierrez ang gumaganap na Madame Imelda Romualdez-Marcos at si Cesar Montano si the late President Ferdinand Marcos.

Sabi ni Direk Darryl, “The movie is big. Grabe. Now ko lang na-realize!”

Actually, ang dami nang nag-aabang sa Maid in Malacañang na ayon sa PR ng Viva Films ay ipalalabas na sa July 20 na ipalalabas sa mga sinehan, huh!

vuukle comment

RAYMOND GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with