^

PSN Showbiz

Liza, maiiba ang kapalaran!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Liza, maiiba ang kapalaran!
Liza Soberano.

Kahit pa nga maluwag sa loob ni Ogie Diaz na ibigay sa bagong management ang alaga niyang si Liza Soberano, sure ako, na meron itong kirot sa puso. Kasi nga ang talents mo parang anak mo na rin, mahal mo at kung puwede nga na habambuhay mo kasama.

Pero siyempre may mga pangyayari na nagi­ging dahilan ng paghihiwalay ninyo, anuman iyon, tiyak na gusto mo pa rin bilang dating manager ng alaga mo na mapunta sa mas mabuting kalagayan. Hindi lang alam minsan ng iba na ang partnership ng dalawang tao dapat meron ding chemistry o magic para magtagumpay.

Dapat akma kayo, sabay ang buwelo para nandu’n ang suwerte. Ok tagumpay ka ngayon, puwedeng mabawasan o madagdagan iyan depende sa kasama mong tao.

At least nagawa nang Liza ni Ogie si Liza. Hindi na mahihirapan ang bagong management niya sa kanya. Meron na siyang premium, madali nang ihanap ng trabaho. At mabuti rin na may blessing si Ogie sa paglipat nito sa ibang management. Magiging magaan ang loob niya dahil maluwag sa loob ng dating manager niya ang ginawa niya.

Good luck to both Ogie and Liza, si Ogie tiyak na ang journey sa buhay, ewan ko kung saan dadalhin ng kapalaran niya si Liza. Hintayin natin!

Mag-ingat sa mga manloloko…

Naku totoo pala ‘yung may mga kunwari bank o taga-bangko na nati-text sa iyo para itanong ang mga detalye o tungkol sa bank history mo, tapos makukuha lahat ng laman ng deposit mo.

Grabe naman na marami pa ring naloloko ang mga ito samantalang ang dali namang tumawag sa branch ng bangko kung saan ka nag-deposit para malaman mo kung legal ba ‘yung tumatawag sa iyo.

Madali lang namang mag-inquire, magtanong para huwag tayong maloko sa ganitong mga pangyayari.

Sa hirap ng buhay ngayon kawawa naman ‘yung nagiging biktima na lifetime savings ang nawawala dahil dito.

Imagine sa hirap mong tipirin ang pera mo tapos mawawala dahil lang sa panloloko ng ibang tao.

Natatawa nga ako ‘pag may natatanggap akong mga text na tungkol sa bangko dahil alam ko na modus operandi lang ito ng mga manloloko. Kaya ingat tayo, huwag basta magbigay ng info sa mga nagti-text. Tumawag agad sa bangko.

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with