^

PSN Showbiz

Andrea, aminadong clingy

SHOWBIZ GANERN! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Andrea, aminadong clingy
Ricci at Andrea
STAR/ File

Sinuportahan ni Ricci Rivero si Andrea Brillantes sa ginanap na Star Magic 30th All Star Games noong Linggo. Ayon sa aktres ay ayaw pa niyang panoorin noong una ang nobyo ng kanilang volleyball game. “Actually noong una, ayoko talaga siya manood. Kasi ang galing niya. He’s a pro player tapos ako first time ko talaga. Hindi talaga ako praktisado. Wala talaga ako sa ten times na nakapag-train. Nandito lang ako for the fun of it. Nandito lang ako para ma-experience kasi gusto ko lang talaga siyang ma-try. Ayoko talaga siya manood kasi nahihiya ako pero sabi niya kasi, ‘It’s my turn naman na sumupport.’ Sabi ko sige, kasi ayoko naman maging unfair. Masaya na nandiyan siya,” nakangiting pahayag ni Andrea.

Masayang-masaya ang aktres sa relasyon nila ng sikat na basketbolista. Ngayon lamang naranasan ni Andrea na ipinaalam sa publiko ang tungkol sa kanyang kasintahan. “Masaya ako at sobrang excited din kasi first time ko magkaroon ng boyfriend na mas matanda sa akin na basketball player. At first time ko din na magkaroon ng boyfriend na out sa public. Masaya at saka this time hindi ko na talaga binabasa ‘yung mga comments (sa social media). Kasi I know na madaming mga bitter, madaming may mga masasabi sa relasyon,” makahulugang pahayag ng dalaga.

Matatandang nakarelasyon ni Andrea si Seth Fedelin noon pero hindi kaagad nalaman ng publiko ang tungkol dito. Aminado ang dalaga na hindi pa talaga sanay sa kanilang sitwasyon ni Ricci ngayon. “Doon lang ako natatakot kasi first time ko nga ito na public at hindi ko pa alam masyado kung paano i-handle. Eh very clingy pa man din ako na tao. So ang daming nagsasabi masyado kaming sweet, ganyan. Pero wala, go with the flow lang ako. Masaya lang, ang importante lang naman is totoo kami sa isa’t isa,” pagtatapat ng aktres.

Sharon, tinuring ni Susan na tunay na kapamilya

Sa pagpanaw ni Susan Roces ay isa si Sharon Cuneta sa labis na nalungkot. Ayon sa Megastar ay tunay na kapamilya na ang turing sa kanya noon ng namayapang aktres.

Malapit talaga si Sharon sa mag-asawang Susan at Fernando Poe, Jr. noong nabubuhay pa ang mga ito. “Nakakalungkot para sa aming kilala nang personal ang pamilyang Poe. My heart is really bleeding for this industry that Tita Susan loved so much and that I have loved so much. Nalulungkot ako dahil isang poste na naman ng industriya ang nawala. Kumbaga sa Star Wars, ito ‘yung last of the Jedi knights,” paglalahad ni Sharon.

Kinuhang ninong ng aktres para sa anak na si KC Concepcion noong dekada otsenta si FPJ. “Marami pong hindi nakakaalam ng aming history ng mga Poe. No’ng pinanganak ko po si KC no’ng 1986, naging ninong niya po si Tito Ronnie. Tapos siyempre hindi pa kami masyadong magkaibigan no’n. Siyempre darating ‘yung hari, but he was just the humblest person I met,” paglalarawan ng Megastar sa namayapang Hari ng Pelikulang Pilipino.

Bukod sa mga pelikulang pinagsamahan nina FPJ at Sharon ay gumanap din noon bilang magkapatid ang Megastar at si  Susan sa isang masayang pelikula. “In 1988, I was given the chance to work with the Queen of Philippine Movies. Si Tita Susan ‘yung magkapatid kami. So we’re together in most of the scenes in the movie Buy One Take One. And that was when I started thinking ‘Oh my God, this is a real movie queen.’ And it breaks my heart na ‘yung isa sa mga naging huwaran ko bilang artista at tao ay nawala nga,” kwento ni Sharon.
(Reports from JCC)

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with