^

PSN Showbiz

Marian, mas gusto ang face to face chikahan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Marian, mas gusto ang face to face chikahan!
Marian
STAR / File

Mismong si Marian Rivera ang nagsabi na iba talaga ang face-to-face presscon.

Totoo, mas masaya at iba ang pakiramdam ‘pag magkakaharap kayo na nag-uusap.

lyon talagang agad-agad kuha mo ang emosyon ng kinakausap mo.

Buti na lang at naisipan ng Beautederm na gawing face to face ang presscon nila para sa renewal of contract ni Marian para sa Beautederm Home.

Nakita uli nang mga nasabik na press people si Marian. Masaya ang lahat, lalong-lalo na si Rhea Tan na lumuluwas pa ng Quezon City para lang sa presscon.

Ang mga ibang presscon tiyak na gagawin na ring face to face basta sundin lang ang health protocols, magiging maayos naman ang lahat.

Saka mas masaya ‘pag face to face dahil mas maraming chika.

Marcos at Sara, hinihintay ang gagawing pagbabago

Parang excited na ako sa pag-upo nina presumptive President Bongbong Marcos at VP Sara Duterte. Parang gusto kong makita kahit konti lang na pagbabago, dahil siguro ang tingin ko kay Papa Digong matanda na at parang mga batang leader ang tingin ko kina Bongbong at Sara.

Bigyan natin sila ng chance na magtrabaho para sa ikabubuti ng lahat.

Huwag muna nating bigyan ng negative vibes dahil lang sa hindi natin sila gusto. Isipin na lang natin ang bayan.

Hindi madaling maging leader lalo na sa Pilipinas na ang daming kritiko, lahat pabibo.

Sa Quezon City maligaya ang lahat kay Mayor Joy Belmonte dahil may resibo ang mga nagawa niya.

Mabuti na lang at re-elected siya kaya tuluy-tuloy ang projects niya. Sure ako na makikita rin nina Bongbong at Sara ang magandang takbo ng Quezon City at lalo pa nila itong tutulungan para mas marami pang projects nito ang maayos na magawa.

vuukle comment

MARIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with