^

PSN Showbiz

Daniel, konti na lang ang kailangang ipunin!

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Daniel, konti na lang ang kailangang ipunin!
KathNiel.

Ngayong araw ay ipinagdiriwang nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang ika-sampung anibersaryo bilang magkasintahan. Sumunod ang aktor sa dalaga sa ibang bansa upang magkasamang ipagdiwang ang kanilang espesyal na araw. “Kailangan ko lang siyempre magrepresenta, anniversary namin. 10th year anniversary na kami,” nakangiting bungad ni Daniel.

Matagal nang sinasabi ng binata na maaari na niyang pakasalan si Kathryn lalo pa’t nasa tamang edad na sila. Ayon kay Daniel ay kailangan pa muna niyang madagdagan ang ipong pera para matuloy ito. “Siyempre I’m 27 years old so after three, four, five years, I have to go on with life. Abangan na lang natin. Mag-iipon lang muna ako ng konti. Siyempre ang dami pa nating gagawin,” pagtatapat niya.

Samantala, masayang-masaya si Daniel dahil naging mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa kanilang bagong serye ni Kathryn na 2 Good 2 Be True. “Sobrang positive kasi ng show. Good vibes ‘yung show, feel good. Lalo na sa panahon ngayon, sobrang sakto. I think do’n nanggagaling ‘yung saya ng tao. I feel very blessed na after all these years na hindi kami nakapag-serye and now nandito ang mga tao at galak na galak sa aming proyekto,” paglalahad aktor.

Zeus, kinalabit ni lord kaya nag-propose sa GF

Noong Linggo ay sinorpresa ni Zeus Collins ang kasintahang si Pauline Redondo habang nasa All Star Games ng Star Magic. Nag-propose na ng kasal ang aktor sa dalaga na ikinatuwa naman noon ng mga nanonood sa Araneta Coliseum. “Hindi ko na sasayangin itong pagkakataon na ito ngayon. Sa harap ng mga kaibigan ko at ng mga madlang people, ngayon ko lang ito gagawin at sana last na ito. Myka Pauline Redondo, will you marry me?,” tanong ni Zeus sa dalaga base sa video na kumalat sa internet.

Tatlong taon nang magkasintahan ang dalawa. Ayon kay Zeus ay maikling preparasyon lamang ang kanyang ginawa para na naganap na wedding proposal. “Mga dalawang araw, gano’n. Kasi hindi ako makatulog. Tuwing matutulog ako siyempre lagi naman na magpe-pray ka bago matulog. Hanggang sa nagulat ako na parang may biglang kumalabit sa akin, na siguro tinanong ko na din si Lord. Tapos hindi ako nakatulog. Biglang pumasok sa isip ko na mag-propose. Hanggang isip ako nang isip. Pinag-pray ko nang pinag-pray. Hanggang sabi ko ito na talaga ‘yung sign na gagawin ko na ito. Talagang hindi maipaliwanag ‘yung saya ko dahil pinag-pray ko talaga. Hindi ko naisip na gagawin ko ito sa buong buhay ko pero ayun na nga kung ano ‘yung gustong gawin ni Lord talaga, ito mangyayari talaga. Sobrang saya ko dahil nag-yes ang aking my love. Kasi kinabahan din ako baka mag-no eh,” natatawang pahayag ng binata.

Para kay Zeus ay na kay Pauline na ang lahat ng mga katangian ng isang babae kaya gusto niyang makasama sa habangbuhay. “Unang-una talaga sa lahat ‘yung sobrang simple niya. ‘Yon talaga ‘yung unang-unang nakita ko sa kanya. ‘Yung unang date namin, talagang as in tsinelas lang siya, tapos ako ‘yung todo-porma kasi siyempre first date. Tapos siya parang sobrang simple lang, sobrang bait, sobrang mahinahon lang. Tapos higit sa lahat, maka-Diyos siya,” pagbabahagi ng binata. (Reports from JCC)

vuukle comment

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with