Angeline, pineperahan ang jowa
Mula nang magsama sa iisang bubong si Angeline Quinto at kasintahang si Nonrev Daquina ay naging kontrobersyal ang relasyon ng dalawa.
Kamakailan ay Umusbong ang isyung pineperahan diumano ng singer ang nobyo.
“Ako ‘yung namemera sa kanya. Totoo ‘to. Kasi wala akong GCash, wala po akong GCash dito sa cellphone ko. So every time magkukulang ‘tong pera ko pambayad sa Grab, sa kanya ako nakikiusap. No’ng buntis ako, ang dami kong gustong kainin.
Ang dami talagang moment na madaling araw, walatalaga akong cash. GCash niya ubos na. So from bangko niya magta-transfer pa siya sa GCash niya para lang makapagbayad,” natatawang kwento ni Angeline sa kanyang YouTube channel.
Matatandaang ipinanganak ni Angeline si baby Sylvio noong isang buwan pa lamang.
Ayon sa singer ay inililista raw ng kasintahan ang lahat ng salaping kanyang hinihiram.
“Magugulat na lang ako nakalista lahat. Sinasabi ko sakanya na babayaran ko naman talaga ‘yon kasi hinihiram ko talaga. Para lang po malinaw sa inyo ah, hindi ako pineperahan nito (Nonrev). Ako ‘yung namemera sa kanya, sa totoo lang. bigayan naman kaming dalawa,” dagdag pa ng singer.
Ogie, tututukan ang singing ni Ian
Si Ogie Alcasid na ang bagong talent manager ngayon ni Ian Veneracion. Nasa pangangalaga na ang aktor ng A Team na pag-aari ni Ogie. Ang singing career umano ni Ian ang kailangang pakatutukan ni Ogie. “Kasi ‘yung movies, TV, pag-arte niya, kahit tulog ‘yan, kaya gawin ni Ian ‘yan eh. Alam na niya ‘yung galawan do’n eh. Pero with the music, na I see gustung-gusto niya, that was where we wanted to come in and help Ian fulfill his dreams. So we started a series of concerts. So it was a process.
Hindi naman biglaan. It was a process of learning kung saan siya kumportable. And I can already see that we will be doing more music.
He already produced ‘yung bago niyang kanta. So I’m sure he’ll want to do more of that.
Kasi nga si Ian, pintor, artista, action star and musician. So I think that is one thing I think he wants to keep exploring. Do’n siya nag-e-enjoy talaga eh,” paliwanag ni Ogie.
Kahit abala na sa pagkanta si Ian ay siniguro naman ni Ogie na hinding-hindi nito iiwan ang pag-arte sa harap ng kamera. Apat na dekada na ring aktibo sa show business siIan ngayon. “It is his 40th anniversary in showbiz this year. I think he has a potential for many, many things. Just simply because mahilig siyang kumanta. He will sing to his heart’s content. I mean that as a compliment. I don’t think there’s a ceiling for him. I think he’s a complete artist. May mga artist kasi na pinauubaya na lang sa team, sa manager or sa handler. Ian I think will always say, ‘Let’s do this kasi masarap sa feeling or this is good for my soul.’ But I think that’s a constant in his career. He’s a very, very accomplished actor. But I think he’s still just scratching the surface pagdating sa music. So we’re excited to see where this will take him,” paglalahad niya.
Nakikita umano ni Ogie na magiging maganda ang resulta kung sakaling makatrabaho ni Ian ang ilang mga sikat na singers sa bansa. “I think anyone pwede, as far as ‘yung mga beterano. I think pwede with Regine (Velasquez), Zsa ZsaPadilla, Lea Salonga. Walang limit eh. I think with him it can always be a pleasant surprise for a lot of people when thay start hearing him sing. Ang sarap marinig ‘yung mgacomments na biglang, ‘Uy! Ang galing pala ni Ian kumanta,’” pagtatapos ni Ogie. (Reports from JCC)
- Latest