^

PSN Showbiz

Diego at PBB star na si Franki Russell, lantaran ang landian

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Diego at PBB star na si Franki Russell, lantaran ang landian
Diego Loyzaga at Franki Russell.

Ayaw kumpirmahin ng ilang taong malapit sa dating PBB housemate na si Franki Russell kung boyfriend na nga ba nito si Diego Loyzaga.

Pero nakikita sa kanilang social media account ang sweet moments nilang dalawa.

Tinanggal lang ni Franki ang mga una niyang ipinost na magkasama sila ni Diego, pero nung nag-birthday si Diego last Saturday ay nag-post naman ng birthday message si Franki. “Happy birthday @diegoloyzaga you have the biggest heart and everyone around you is so lucky to have someone like you in their life. 27 ain’t ready for you papi.”

Mukhang sila na nga sabi ng ilang nakatsikahan kong close kay Franki. Hindi lang daw kinukuwento sa kanila ni Franki.

Pero bago si Franki at pati si Barbie Imperial, naging girlfriend din noon ni Diego ang dating kaibigan ni Franki at kasama sa trabaho na si April Scott.

Si April ay sumali dati sa StarStruck pero hindi umabot sa finals. Kasabay niyang sumali sa naturang talent-reality search si Ivana Alawi na isa rin sa maagang natanggal.

Pero may ilan itong TV guestings, at mas madalas ay may modeling commitment siya at commercials.

Sa pagkakaalam ko, magkaibigan sila ni Franki at maaaring may mga lakad sila noon na kasama pa si Diego.

Kaya sabi ng aming source, matagal nang magkakilala sina Diego at Franki. Maaaring ngayon lang daw nagkadebelopan.

Samantala, ang cute ng IG post ni Cesar Montano na kinakantahan nila ng Happy birthday si Diego kasama ang iba pa niyang anak na ngayon lang niya nailalabas sa publiko.

Nag-respond naman si Diego at nagpasalamat sa Daddy niya at sa tatlo pa niyang kapatid.

Isang show ng GMA na matagal na sa ere, sisibakin na

May inilabas ng artcard ang GMA 7 ng Running Man, na franchise sa South Korea na mukhang pagkakagastusan nila nang husto.

May nag-leak sa amin kung sino ang involved pero baka next week pa raw ia-announce officially.

Ang alam kong kasama sa malaking project na ito ay ang actor/TV host, isang magaling na aktres na may matatapos nang drama series, meron ding galing sa talent/reality search na aktres, meron ding magandang young actress na tila bibigyan ng break ng GMA 7, isang aktor na bida sa isang series, isang komedyante, at isang promising actor na nakilala sa BL series.

Karamihan sa kasali rito ay busy sa iba pa nilang shows.

Itong isang aktor nga ay hindi pa naipapalabas ang drama series pero sabi ay isasalang na naman siya sa bagong show na ito.

Sa pagkakaalam ko, next month na sila lilipad patungong South Korea para sa show na ito.

‘Yung magaling na aktres naman ay ini-enjoy pa ang bakasyon niya kasama ang kanyang asawa. Curious lang ako kung sasama kaya ang kanyang dyowa sa South Korea?

Samantala, may isang matagal na ring show sa GMA 7 na malapit na rin daw tsugihin. Ikinagulat daw ito ng buong cast ng naturang programa, dahil maganda naman ang feedback sa show, okay naman ang rating.

Nasabihan na raw sila. Meron kaya silang pinaghahandaang malaki ring programang ipapalit dito?

vuukle comment

DIEGO LOYZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with