Kim, hindi tsutsugiin sa showtime
Kahit bumalik si Anne...
Tuloy sa It’s Showtime si Kim Chiu.
Ito ay kahit na nga babalik na raw si Anne Curtis sa noontime show ng Kapamilya Channel after more than two years.
Lumabas kasi ang teaser na “Ang tagal natin siyang namiss, kaya andito na siya… Abang-ANNE!”
Ang nasabing teaser ay lumabas pagkatapos ng reunion dinner ni Anne sa It’s Showtime co-hosts na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Karylle, Kim Chiu, Amy Perez at Ryan Bang, at iba pa.
May mga nag-isip kasi na baka nga umexit si Kim sa pagbalik ni Anne.
Pero ayon nga sa source, never daw mangyayari ‘yun.
Maaalalang si Kim ang pumasok sa Showtime nang magbakasyon si Anne para manganak sa Australia hanggang abutin na nga ng pandemic at shutdown ng ABS-CBN.
- Latest