^

PSN Showbiz

Hunk actor na mahilig sa tikiman, ‘di pinatulan ng handler na inayang mag-motel

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Naku, Ateng Salve, iwasan mo ang isang hunk actor kapag nagkrus ang inyong mga landas, huh!

Sobra pala ang appetite ni hunk actor sa sex.

Naloka nga ang dating handler ni hunk actor nang minsang pumunta sila sa Tarlac City para sa isang event doon.

Si handler kasi (girl siya at hindi bading) ang nag-drive papunta roon at nang matapos na raw ang event, nag-dialogue si hunk actor na mag-check-in na lang daw sila dahil baka pagod na si handler at hindi na kayang mag-drive pabalik ng Maynila.

Eh, on their way raw to Tarlac City, may mga kuwento tungkol sa kanyang sexcapades si hunk actor, kaya kinabahan tuloy si handler. “So, sabi ko kay ___ (name ni hunk actor), kung gusto niyang mag-check-in, okey lang, pero uuwi na ako at babalikan ko na lang siya the next day.

“Alam ko naman kung ano ang gusto niya, pero sorry, hindi naman ako pumapatol sa mga alaga ko,” sey ni handler na ngayon ay marketing manager na sa isang malaking kompanya.

Actually, kahit hindi na nga raw sila magkatrabaho ay panay pa rin ang text ni hunk actor sa dating handler at nagpapahiwatig na type niyang matikman si girl, pero no way nga raw ‘yon. “Ayoko talaga!,” sey ni dating handler.

Anyway, naloka lang kami na alam ni dating handler na daks si hunk actor. Paano niya nalaman kung hindi naman niya pinagbigyan si hunk actor? “Kasi noon, nag-fashion show si ___ (name ni hunk actor) at briefs lang ang suot at kapag nagpapalit siya, naghuhubad siya sa harap namin.

“Wala siyang pakialam, kaya alam ko ang size ng ‘junior’ niya,” tsika pa ni dating handler na ikinatuwa ng mga bading na kaharap niya, huh!

Bongga!

Martin, ayaw tantanan ang pagkanta!

‘Katuwa lang at wala talagang kupas ang Concert King na si Martin Nievera na bukod sa kaliwa’t kanang shows sa ‘Pinas, pati sa Amerika, aba, may bago rin siyang single na in-launch kamakailan under Vicor Records na Smile Again ang pamagat..

Sa tsikahan nga ni Martin with the entertainment press, nasabi niyang grateful siya dahil hanggang ngayon nga ay he’s very much around pa at sinusuportahan pa rin siya ng mga fan.

Bale sa July nga ay 40th anniversary na ni Martin sa showbiz at kahit apat na dekada siya ay love na love pa rin niya ang kanyang mga ginagawa.

So, ang wish nga for Martin ng kanyang mga fan ay umabot pa siya ng maraming taon sa showbiz.

‘Yun na!

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with