^

PSN Showbiz

Daniel, planong tumambal sa ibang aktres

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Daniel, planong tumambal sa ibang aktres
Daniel Padilla.

Sa mahigit isang dekada ng pagiging aktibo sa show business ay maraming proyekto na ang pinagtambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Pumatok sa manonood ang bawat proyektong ginagawa ng KathNiel maging pelikula man o teleserye. Matatandaang pumatok din sa takilya noong 2019 ang pelikulang pinagtambalan nina Kathryn at Alden Richards na Hello Love, Goodbye. Ngayon ay posibleng makipagtambal na rin si Daniel sa ibang aktres at hindi naman daw ito magiging problema kay Kathryn. “Siguro ngayon mas open na. Dati kahit pag-usapan ‘yan, ‘di namin pag-usapan kasi mga bata. Pero ngayon nandito kami sa stage na kung ano ang magpapasaya sa ‘yo, gawin mo and you will have my support. Kung dati sobrang bawal siya dito makasama, bawal siya makita, ako siguro dahil ang tanda na natin para pag-awayan ang ganitong bagay. Hahayaan kitang gawin ang gusto mo basta doon ka masaya,” makahulugang pahayag ni Kathryn.

Mahigit sampung taon nang magka­sintahan sina Kathryn at Daniel ngayon. Para sa aktres ay marami na ring pinagdaanan ang kanilang relasyon ng binata sa loob ng isang dekada. “It’s very unforgettable kasi ang haba ng journey na ‘yon. Tapos sa bawat taon siyempre may bagong challenges, meron din kaming achievements na hinaharap sa taon na ‘yon. Pero merong lesson na iniiwan sa amin every year hanggang sa naiipon at naiipon. ‘Yon ang bumuo sa amin pareho, ‘yung sampung taon na ‘yon. So unforgettable in good ways pero nandiyan din ‘yung hindi lang siya puro good stuff. Ang dami mong kailangang pagdaanan,” pagtatapat ng dalaga.

Ogie, may misyon kaya naging manager

Si Ogie Alcasid na ang nagsisilbing talent manager ngayon ni Ian Veneracion. Nasa pangangalaga na ng A Team na pag-aari ng singer-composer ang aktor. Sobrang excited na raw ni Ogie na makatrabahong muli ang aktor sa mga susunod na proyekto. “Hindi ko ma-imagine na magiging manager ako. However, I guess in my desire and passion to help artists who have no managers and fulfill their dreams, that’s why I formed A Team. Ready na kami to move forward. We’re so excited to work with Ian on many, many projects, I’m happy,” nakangiting bungad ni Ogie.

Para sa singer ay talagang maraming pagsubok ang naranasan ng entertainment industry sa nakalipas na dalawang taon dahil sa pagkakaroon ng pandemya.

Maraming mga artista at trabaho ang nawala dahil na rin sa banta ng COVID-19 pandemic. Ngayon ay masaya si Ogie dahil unti-unti nang sumisiglang muli ang industriya. “Sino ba namang hindi dumaan sa pagsubok nitong pandemya na ito? Lahat tayo pinadapa. But we’re here, we’re ready to fight and move forward. I think ready na ‘yung audience natin. Kahit sa sports marami nang nanonood. Sa mga party, sa mga rally, everybody is out. So just like any other thing, you just have to be careful and be mindful of all the protocols,” giit niya.

Matatandaang nagkaroon ng show si Ogie sa Amerika kamakailan. Ayon sa singer ay sobrang naging emosyonal siya ng mga sandaling iyon. “We had a tour, no’ng unang-unang salang ko naiiyak ako kasi first time ko ulit makakita ng tao. And it felt really, really good. Masarap na unti-unti nang nanunumbalik ang live entertainment. So ready to roll na,” pagtatapos ni Ogie. (Reports from JCC)

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with