^

PSN Showbiz

Bong, ‘di marunong magtanim ng galit

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bong, �di marunong magtanim ng galit
Lolit at Revilla family.

Talagang second family ko na ang mga Revilla, Salve. ‘Yung ginawang surprise ng Take It! Take It! Me Ganon?! sa akin kung saan buong Revilla clan yata ang nagpunta, talagang natanim sa puso ko.

Parang isa talaga akong tunay na member ng family na dapat buong member nandu’n para ako ay batiin ng happy birthday.

At talagang kahit ang nasa Davao na si Inah Revilla, bumati rin para sa birthday ko.

Usually naiinis ako ‘pag may ganyang mga pa-surprise dahil parang corny ang feeling ko, pero tinamaan ako kila Bong dahil nga halos buong pamilya ang lumuwas para batiin ako.

Isa sa pinakapaborito kong tao sa buhay ko si Bong. Para siyang anak na lalaki na wala ako.

From all the years na kilala ko siya, nakita ko ang ganda ng character niya, ‘yung sincerity niya, ‘yung lambot ng puso niya. He is one person na imposible mong hindi mahalin ‘pag nakasama mo na sa trabaho, magalang siya at alam niya ang salitang respeto.

Tunay ang ipinapakita niyang concern sa isang tao, hindi siya nagtatanim ng galit, wala siyang mean bone, natatanggap niya ang pagkakamali ng iba nang hindi sumasama ang loob niya.

Magaan ang pagdadala niya ng lahat, kaya siguro magaan din ang pagdating sa kanya ng gras­ya. Anumang pasukan niya, nandu’n ang passion sa puso niya, kaya nagtatagumpay siya.

Perfect match sila ni Lani Mercado, maganda ang people chemistry nila. Kaya naman kahit ano pa ang pagdaanan nilang pagsubok sa buhay, kapit-kamay pa rin silang dalawa patungo sa mas malayo pang journey ng buhay.

Love the Revillas, they are worth my love, now and forever.

Cong. Rachel, may kakaibang charm

Talagang si Cong. Rachel Arenas na yata ang pinaka-number 1 sa PR sa lahat ng naging chairperson ng MTRCB. Siya ang talagang nagbukas ng pinto ng office na ito para sa lahat dahil napaka-approachable niya.

Ngayon na pinasok na niya uli ang pulitika at isa na siyang member ng Congress, mas maipapakita niya sa lahat ang mas malawak pang kamay niya sa leadership.

‘Yung charm ni Cong. Rachel tiyak na malaking bagay sa loob ng Congress.

Sana nga magkaroon pa siya ng project na para pang-showbiz para lalo pang matulungan ang industry.

Isa si Cong. Rachel sa puwedeng lapitan ng mga taga-showbiz para makatulong maging mainit uli ang industriya.

Congrats and thank you, Cong. Rachel, bagay kang leader dahil meron kang vision at strong leadership.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with