^

PSN Showbiz

Mayor Lani, tinangging inalok sa DOT

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nagtataka ang Bacoor Mayor Lani Mercado kung bakit may lumalabas na kuwentong siya ang isa sa pinagpipiliang maging Secretary ng Department of Tourism.

Na ikinagulat niya raw dahil hindi naman daw siya nag-apply. “Hindi naman ako nag-apply. Sana, kung sino na ‘yung nakaupo diyan dahil mas alam na nila ‘yan,” pakli ni Mayor Lani nang nakatsikahan namin sa Take It! Take It! Me Ganon?! na programa nina Nay Lolit Solis at Mr. Fu sa digital platforms ng Pilipino Star NGAYON.

Tinatapos na lang ng alkalde ng Bacoor ang mga dapat niyang tapusin sa kanyang tanggapan, dahil starting June ay uupo na siya sa Kongreso, bilang representative ng lone district of Bacoor.

Kaya malabo talaga siyang tumanggap ng kahit anong cabinet post.

Nilinaw din niya sa aming hindi raw siya nakikialam kung ano ang mga plano ng partido. Basta ang sa kanya raw ay nandun lang siya para sumuporta, lalo na sa bagong halal na Bise Presidenteng si Mayor Sara Duterte.

Medyo nag-senti lang si Mayor Lani dahil hindi raw niya naisip na makakasama pa niya ang dalawa niyang anak na sina Jolo at Bryan sa Kongreso.

Si Jolo ang nanalong Congressman ng first district ng Cavite, at si Bryan naman ang first nominee ng Agimat partylist.

Samantala, kasama rin si Sen. Bong Revilla sa nagsorpresa kay Nay Lolit sa kanyang birthday celebration sa Take It... nung Martes at hiningan namin siya ng opinyon sa sinasabi ng iba na dapat ay buwagin na lang ang mga partylist sa darating na eleksyon. “Sa akin, it doesn’t matter, mabuwag o ano.

“Ang importante matugunan kung ano ang pangangailangan ng mga maliliit nating kababayan,” pakli niya.

Proud naman siya sa kanyang panganay na anak na si Bryan na alam niyang gagampanan nito ang kanyang tungkulin bilang representative ng Agimat partylist.

Sabi pa ni Sen. Bong, nakakahinga na raw siya nang maluwag. Nakakatulog na siya nang mahimbing dahil tapos na ang eleksyon, at higit sa lahat, panalo ang mga ikinampanya niya.

Kinuwento pa niya sa aming si Jolo raw dapat talaga ang first nominee sa Agimat Partylist, pero napagdesisyunan na sa first district ng Cavite na siya.

Umatras daw ang pamangkin niya na papalit dapat sa Agimat partylist, kaya si Bryan na ang naisip nilang ipalit. “Nahirapan ako dito sa kampanya ngayon. Pero natuwa naman ako para sa kanila dahil kung ano man ‘yung pangarap nilang makapagsilbi, magagawa na nila.

“Alam naman nila ang mga pinagdaanang pagsubok sa buhay ko. Sabi ko, lahat ‘yan alam ‘nyo na kung ano ang gagawin ‘nyo di ba?,” seryoso pang pahayag ni Sen. Bong Revilla.

Herlene at kiray, nagtapatan sa FF

Ang bongga na talaga nitong Family Feud ni Dingdong Dantes.

Nakapagtala ng pinakamataas na rating ang naturang game show nung nakaraang Lunes, May 16.

Naglaro sa episode na ‘yun ang TikTok doctors at DJs ng LS 97.1.

Nakakakuha ito ng 9.9 percent! Tinalo ang pinakamataas na episode nila noon na kung saan naglaro ang pamilya ni Herlene Budol o Hipon Girl, kalaban si Kiray Celis at ang pamilya nito.

Kaya natitiyak na naming magkakaroon na ito ng season 2, dahil ito ang consistent na pinakamataas na programa sa hapon.

Congratulations kay Dingdong at sa lahat na bumubuo ng Family Feud.

 

 

vuukle comment

LANI MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with