^

PSN Showbiz

Sharon, walang quotation marks ang friendship kay Regine

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sharon, walang quotation marks ang friendship kay Regine
Regine at Sharon
STAR/ File

Mahigit tatlong taon na ang nakalilipas nang huling nagkasama sa isang concert sina Sharon Cuneta at Regine Velasquez. Kahit hindi madalas na nagkakasama ay hindi naman umano nawawawalan ng komunikasyon sa pagitan ng dalawa. “Kasi ang bahay niya parang ‘pag nagpunta ako at ‘pag nagpunta siya sa bahay ko parang excursion dahil sa traffic. Quezon City siya, ako Makati. Kami ni Reg, although may kalayuan ‘yung mga bahay naman, hindi kami nawawalan ng communication.

“Kahit hindi every day or every week, kasi ‘pag nag-love ka ng tao tapos sinuklian ka, tapos nakita mo lalo ‘yung pagkatao, lalong lumalalim. Lalo siyang napapamahal sa akin as times goes by. Feeling ko kahit hindi na kami kumakanta at may apo na kami, ‘yung parang feeling ko magkikita pa rin kami ‘pag birthday ni Nate or birthday niya. Ako, gusto kong maging part ng family nila kasi pati si Ogie,” pagbabahagi ni Sharon.

Ayon sa Megastar ay mas unang naging magkaibigan ang kanilang mga asawa ng Asia’s Songbird na sina Kiko Pangilinan at Ogie Alcasid. “No’ng ‘80s pa eh. Mahal na mahal talaga ni Kiko si Ogie to begin with. They’ve known each other since Ogie was in grade school and Kiko was in high school. Tapos nag-UP silang pareho. Magkakilala na sila from the beginning pa. 2008 na concert sa States nakasama ko siya. Lalong naging magkaibigan kami tapos si Reg na, naging close na kami. Magkakasundo talaga kami. I’m nice to everyone pero ibang usapan ‘yung friendship without the quotation marks. Kasi you only have so much time. Lalo na when you’re getting older, you realize you won’t have time for everybody,” kwento ng aktres.

Magkakasamang muli sina Sharon at Regine sa Iconic concert na gaganapin sa June 17 at 18 sa Marriott Grand Ballroom ng Resorts World Manila.

Para sa Megastar ay masarap talagang makasama si Regine sa isang espesyal na concert. “She’s so generous. Being who she is and having a big talent in singing, she’s really such a generous co-perfor­mer. Wala ka nang mahihiling. Of course, we love our audience and we love performing together lalo. Sabi ko bonus na lang ‘yung shows. Kasi magkasama kami, mas exciting ‘yung in between shows,” nakangi­ting pahayag ng Megastar.

Madam Inutz, ‘di makapaniwala sa mga pinagdaanan

Natunghayan nitong mga nakaraang Sabado ang mahusay na pagganap ni Dawn Chang bilang si Madam Inutz sa Maalaala Mo Kaya. Itinampok sa dalawang bahagi ng MMK ang istorya ng buhay ni Daisy Lopez o mas kilala sa bansag na Madam Inutz.

Maging ang viral online seller ay talagang napahanga umano sa angking galing ni Dawn sa pag-arte. “Nakakatuwa, iniisa-isa niya, hinimay-himay niya kung ano ‘yung dapat niyang makuha sa akin. Mula pagkabata, saan ka humugot ng lakas, anong naging inspirasyon mo para makuha niya ‘yung emosyon kung ano ba talaga si Madam Inutz. Sabi ko, ‘Ay! Parang ako!’ Talagang kuhang-kuha niya pati pagngiwi, pati ‘yung pag-arte. Napahanga ako talaga. Sabi ko nakakatuwa,” paglalahad ni Madam Inutz.

Para sa viral online seller ay nanumbalik sa kanyang alaala ang mga pinagdaanan sa buhay mula noong kanyang kabataan nang mapanood ang MMK. “Nag-flashback lahat ng nangyari. Napagdaanan ko pala itong hirap na ‘to pero nandito pa rin si Madam Inutz na pinagtibay ng panahon, pinagtibay ng pagsubok talaga. Hindi ako makapaniwala simula pagkabata hanggang ngayon, nandito pa rin ako na mas matatag at siyempre mas naniniwala pa sa sarili ko,” giit ng sikat na online seller.

(Reports from JCC)

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with