Karen, binawalang mag-vlog ng pulitiko
Binawalan si Karen Davila na mag-interview ng mga kandidato sa kanyang vlog.
Yup, bilang anchor siya ng TV Patrol since October at pumalit kay Noli de Castro.
“Tama po ito. I am part of a larger news team. Bahagi po ako ng ABS-CBN News. Lahat po ng may kinalaman sa eleksyon ay karapat dapat lumabas lamang sa ABS-CBN o sa ANC,” aniya na umaming dumaan na naman sa ‘tough day’ ang ABS-CBN. Ito ‘yung araw na lumabas ang isyung naibigay na ng NTC ang frequencies na ginagamit ng kanilang network.
“Promise… hindi talaga kami nag-usap! Ngayon naman, different shades of blue… pero neither of us feels bluer than blue.
“Today was another tough day for ABSCBN but we choose not to lose hope. Optimism takes faith and hope gives your heart peace,” aniya sa post the other day ng photo nila ni Bernadette Sembrano kung saan sila parehong naka-blue.
Bukod sa pagiging anchor, kilala na ring content creator si Karen.
- Latest