^

PSN Showbiz

Manika ni Pokwang, apat na taon na

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Manika ni Pokwang, apat na taon na
Pokwang
STAR/ File

Ah four years old na pala ang anak ni Pokwang na si Malia.

At tulad last year, sa bahay lang uli sila nag-celebrate.

Kabilang si Pokwang sa mga celebrity na gumaling na covid-19.

“Happy, happy 4th birthday sa aming manika manikaan!!! dalawang taon kana nag b birthday sa bahay lang dahil sa pandemic na ito, pero ok lang yan nak ang mahalaga ligtas ka lagi at malusog na bata, thank you God sa mga biyaya ko at ito ay aking mga anak, malusog na pangangatawan at takot sa Dios yan ang wish ko sayo tisay @malia_obrian at maraming cakes yeheeyyyyy i love you! #happybirthdayMalia,” post nito recently.

Samantala, bibida si Pokwang sa Magpakailanman na mapapanood bukas, Sabado.

Gagampanan niya ang role ni Star – kilalang make-up artist ng mga celebrity. Siya ay may dalawang anak na sina Erwin at Jinkee sa kanyang asawa na nag-migrate sa States. Sa simula ay maayos ang lahat. Palaging tumatawag at regular na nagpapadala ng pera ang asawa. Ngunit isang araw, walang narinig si Star mula sa kanyang asawa at huminto ang padala.

‘Yun pala ay nag-asawa ng iba.

Naka-move on si Star at may nakilala siyang ibang lalaki. Agad siyang umibig muli sa pag-aakalang sa wakas, may tutulong na sa kanya sa pagpapalaki ng mga anak. Pero nagkamali siya. Natuklasan niyang may asawa na ang lalaking ito pero buntis pala siya.

Pero hindi naging madali ang lahat sa kanya. Nahirapan siya sa pagpapalaki sa mga anak kaya napariwara ang mga ito.

Hanggang sa nangyari ang pandemic. Nagtitinda sila ng homemade na siomai para lang mabuhay. Pero dumaan ang pagsubok sa kanila at namatay ang dalawa niyang anak.

Si Star na nawalan ng dalawang lalaki at nga­yon ay dalawang anak na lalaki.

Pinamagatan itong Liwanag ng Bituin under the direction of Monti Parungao.

Cardi B, wagi sa blogger ng $4 milyon

Aww nanalo si Cardi B ng humigit-kumulang $4 milyon sa isang libel na kaso sa United States laban sa isang celebrity gossip blogger, na nag-post ng mga claim na ang superstar rapper ay isang “prostitute” na nagkaroon ng herpes at gumamit ng cocaine ayon sa report ng Agence France-Presse.

Ang idinemanda niya ay isang YouTuber na si Tasha K kung saan nag-post diumano ito ng “malicious rumors” at “degrading and harassing” claims sa humigit-kumulang 20 video na tumutukoy sa sikat na artist, ayon sa inihaing kaso.

Well, sa local YouTuber na mahilig mag-imbento ng kuwento at nangongopya lang, wala pang nag-aabalang celebrity na magdemanda at tularan si Cardi B na 1.3 billion (streams) ng kantang I Like It sa Spotify.

BGYO, umani na ng 10 milyong spotify streams at 12 milyong You Tube views sa unang taon

Nakapagtala na ang breakout P-pop group na BGYO ng higit sa sampung milyong streams sa Spotify at 12 milyong views sa YouTube sa unang taon nito malapos ilunsad ang grupo noong 2021.

Para ipagdiwang ang sunud-sunod na tagum­pay at ang unang anibersaryo nila, babalikan ng grupo ang mga pinagdaanan nila sa kanilang debut year sa isang livestreaming party ngayong Sabado (Enero 29), 6 p.m. sa Facebook page, Kumu, at YouTube channel ng BGYO.

Panibagong tagumpay naman ang natamo ng BGYO dahil umabot na sa lampas isang milyong streams ang awitin nilang Kundiman noong Enero 21. Ito na ang ikalimang kanta mula sa debut album nilang The Light na nakuha ang record na ito sa Spotify.

Bukod dito, kasama rin ang BGYO sa L’Officiel Philippines issue ngayong buwan kung saan tampok sa cover ang hit K-Pop group na BTS.

Sa maikling panahon lamang, naging matunog at usap-usapan sina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate dahil sa ipinakita nilang galing sa pag-awit, pagsayaw, at pati na rin sa pagsusulat ng kanta para sa ilang mga miyembro.

Bagyo ang BGYO.

vuukle comment

BGYO

MALIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with