^

PSN Showbiz

Angelica, nakalma sa karelasyon!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Angelica, nakalma sa karelasyon!
Angelica at Gregg
STAR/ File

Noong isang taon ay ibinahagi ni Angelica Panganiban sa publiko ang tungkol sa kanyang bagong kasintahan. Masayang-masaya ang aktres sa relasyon nila ni Gregg Homan. “Feeling ko ‘yon ang importante sa lahat, kumalma ako. ‘Yon siguro ang magic eh. No’ng una ka­ming nagkita, hindi siya exciting. Calm ‘yung naramdaman ko, parang, ‘Okay ‘to ah.’ Pwede pala ‘yung mararamdaman sa isang tao na gusto mo and hanggang ngayon na-maintain ‘yon hanggang ngayon,” makahulugang pahayag ni Angelica.

Tanggap na tanggap umano ng nobyo ang trabaho ng aktres. Ayon kay Angelica ay talagang malaki ang respeto sa kanya ni Gregg bilang isang artista. “Nando’n ‘yung klase ng respeto niya sa akin and ako rin sa kanya na kung ano ang trabaho ko, trabaho ko ‘to and kaya ko ‘to. Naniniwala siya sa akin doon na alam niya ang ginagawa niya na malinaw naman sa amin na from the start ng relationship kung ano ang work mo, work mo ‘yan and kung ano rin ang sa akin, sa akin ‘to, and nilinaw ko ‘yon, sabi ko, ‘Seloso ka ba?’ ‘Wag ha.’ Ayokong masakal and makulong na malilimitahan ‘yung gagawin ko, dahil lang nagmahal ako. Siyempre ang sarap nung tanggap mo, and naiintidihan mo and proud ka,” nakangiting pagbabahagi ng dalaga.

Naninibago pa raw sa ngayon ang kasintahan ni Angelica lalo na sa mga komento ng netizens sa social media tungkol sa kanilang relasyon. “Hindi pa rin (sanay) hanggang ngayon. Lalo na siyempre hindi siya sanay sa mga bashing ‘di ba? Kahit na hindi na ako naapektuhan, siya ‘yung nasasaktan. ‘Yon ang mahirap siguro kasi ‘pag nakita mo siyang affected, maapektuhan ako siyempre. Pero kailangan ko siyang tulungan pa at turuan din ng mga styles kung paanong hindi mo dapat pinapansin. So kapag gano’n binibigyan ko siya ng warning, titigil siya mag-social media,” pagtatapos ng aktres.

Claudine at Marjorie, civil na sa isa’t isa

Naayos na ang gusot sa pagitan nina Claudine at Marjorie Barretto. Matatandaang nagkaroon ng tensyon sa Pamilya Barretto sa mismong lamay ng amang si Miguel noong 2019. Ngayon ay nanumbalik nang muli ang maayos na turingan ng magkapatid. “We had a great New Year. Sinalubong namin ang bagong taon na sobrang saya kasi magkakasama kami ng buong pamil­ya ko. It was such a touching experience. And nakaka-miss ‘yung mga pamangkin kong nakasama ko ulit. Si Marjorie at ako civil lang naman pero alam mong wala na, wala nang gulo. Alam mong may peace na. It was the best new year of my life. And I saw my mom without my dad. I’m sure my dad’s so happy kasi nga magkasama ka­ming lahat. I was just able to enjoy my nephews and my nieces again after two years no’ng nagkagulo sa wake ng dad ko,” pagdedetalye ni Claudine.

Nasa pangangalaga na ng Viva Artists Agency ang pamangkin ng aktres si Julia Barretto. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw makatrabaho ni Claudine sa isang proyekto ang dalaga. “Yes hopefully, oo sana. Kapag medyo maluwag-luwag na ‘yung schedule niya. Kasi may mga ginagawa siya ngayon for Viva and ako rin. Siyempre gusto ko makatrabaho siya,” paglalahad ng aktres.   (Reports from JCC)

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with