^

PSN Showbiz

Kris, nakakuha ng tagapagtanggol!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris, nakakuha ng tagapagtanggol!
Kris
STAR/ File

Awang-awa talaga si Bong Revilla kay Kris Aquino.

Hindi niya maintindihan ang ibang tao na nagagawa pang i-bash si Kris eh kitang-kita mo na meron itong sakit, at isa itong babae na dapat iginagalang.

Siguro nga huwag na nating tingnan si Kris as a celebrity, ituring na lang natin siya na isang regular na tao na nasasaktan din sa mga sinasabi nating opinyon.

Mukha na ngang hirap siya sa dinadala niyang sakit, sana dahan-dahan din ang gagawin nating opinyon sa kanya.

Kung sana maayos ang lagay niya, puwede pang sabihin na sa rami nang pinagdaanan niya sa buhay, kaya niya itong mga bashing dahil malakas din ang emotional tolerance ni Kris.

Pero ngayon na sobra na ang kapayatan niya dahil sa dinadalang sakit, baka naman dagdag stress pa sa kanya ang mga walang sense na comments. Para naman ‘yung negatrons tuwang-tuwang magkalat ng horror ngayong mga panahon na sana lahat positive para kahit paano gumanda ang paligid.

Pray natin ang health ni Kris. Be kind to her dahil in fairness she is a very kind person. Just get well, Kris, nandiyan sina Joshua at Bimby. Sila ang isipin mo.

Vice, lutang ang pagiging patola at ampalaya!

Talagang type ni Vice Ganda na maging patola/ampalaya sa akin. Gusto niya akong sumikat kasi binabanggit niya ang name ko sa It’s Showtime, hah hah. Hindi ko akalain na isang komedyante magi­ging pikon sa konting pitik.

Sabi ni Jugs Jugueta hindi totoo, eh di hindi totoo  ang balitang power tripping, so anong problema? Dapat kay Vice makuha ang humility at sense of humor ni Dolphy. Si Dolphy kahit at the time na nag-slide ng konti ang popularity, nanatili ang love at respeto ng tao sa kanya.

‘Pag ganyan kadaling mapikon si Vice, baka ‘pag nalaos siya ang maging reaction ng tao, buti nga, kasi pinasukan ng hangin ang ulo.

Sa konting pitik o issue, dapat kalmante ka lang, hindi OA sa reaction. Para bang wala ka dapat ibang opinyon kay Vice, dapat sabihin mo lang mahusay siya, popular siya, mabait siya.

Bongga! Perfect ang dating, walang mali.

‘Yung kadalasan ang pinapasukan ng hangin sa ulo, ‘pag ayaw mong pinupuna ka, ayaw mo na may nasasabi sa kilos at salita mo.

Duda tuloy ako na baka totoo ang power tripping, dahil nakikita ko na ang sign sa pagiging pikon ni Vice.

Huwag kang patola, at lalong huwag kang ampalaya, sige ka, papait ang lasa ng comedy mo, hindi na magiging katawa-tawa, kasi may halo nang ampalaya at patola, magiging chopsuey na iyan, corny na, hah hah hah!

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with