^

PSN Showbiz

Tom at Carla, hiwalay na dahil sa ibang babae?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Tom at Carla, hiwalay na dahil sa ibang babae?!
Tom at Carla
STAR/ File

Nag-unfollow na rin sa isa’t isa...

Aw bakit kaya may kumakalat na diumano’y may problema na agad ang marriage nina Tom Rodriguez and Carla Abellana.

Diumano’y may babaeng kasali sa issue na isa ring artista.

Hindi ma-social media si Tom at in fact, ang tagal na niyang walang post with Carla sa Instagram account niya.

Si Carla naman ay pulos exercise ang laman ng IG lately at almost a month na ang last post niya na ‘vacation time’ with Tom pero disabled ang comment box nito kaya lalong mas marami ang nagduda.

Nag-unfollow na rin sila sa isa’t isa sa Instagram.

Pinag-uusapan na diumano ito ayon sa source ng Take It... Per Minute, Me Ganun kahapon na suppo­sedly ay blind item lang ni Mr. Fu pero nahulaan ni Nay Cristy Fermin at pinangalanan ni Nay Lolit Solis.

Last October lang ikinasal sina Tom and Carla sa Tagaytay at very open si Tom sa pagsasabing hindi na nila ide-delay ang paggawa ng baby after their wedding pero bakit may ganito?

Samantala, tuloy pala ang pag-iinarte ng isang actress sa mga offer sa kanya kaya hindi pa rin alam kung kailan ba ito mapapanood sa isang teleserye.

Ang dami raw nitong ni-reject na mga offer kaya hanggang ngayong nganger pa rin siya.

Anyway, ilan lang ‘yan sa mga nagbabagang pinag-usapan sa no. 1 digital talk show na Take It... Per Minute, Me Ganun na two weeks nag-break bilang pag-iingat dahil nga sa surge ng Omicron.

Anyway, nagbigay din sila ng opinion kung ano ba talaga ang ‘silbi’ ng mga Marites (mars ano ang la­test) in a positive way. True naman, hindi lang sa chismisan mahusay ang mga Marites. Magaling din sila sa mga latest sa mga budol sale.

Kaya kinontra nila ang pahayag ni Vice Ganda na sunod sa magnanakaw ay ang mga Marites. Parang over nga naman ang naturang akusas­yon.

Nagbigay rin sila ng opinion tungkol kay Kris Aquino na dumaraan ngayon sa health crisis at ang nangyari sa kanila ng ex-fiance na si Mel Sarmiento.

Kaya sa mga hindi nakapanood ng live kahapon, maki-Team Replay na sa facebook page and YouTube channel ng Pilipino Star NGAYON para maging updated sa mga legit na chika, intriga at opinion ng mga certified showbiz authority ng bayan.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with