^

PSN Showbiz

Zaijian, nakabuo ng pamilya sa broken…

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Zaijian, nakabuo ng pamilya sa broken�
Zaijian
STAR/ File

Napapanood na tuwing gabi sa Kapamilya Channel ang The Broken Marriage Vow na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Sue Ramirez at Zanjoe Marudo.

Kabilang din si Zaijian Jaranilla na gumaganap bilang anak nina Jodi at Zanjoe sa pinag-uusapang serye. “Si Gio Ilustre ay isang mabait na anak, masipag at saka mapagmahal sa kanyang mga magulang. Sobrang komportable namin sa isa’t isa. Nabibigay ng mga magulang niya lahat ng kailangan niya hanggang sa na-discover niya unti-unti na nawawarak ‘yung pamilya niya. Fee­ling ko ‘yung mga tao na galing din sa broken family, mas maiintindihan nila ‘yung pinagdaanan ni Gio,” paglalahad ni Zaijian.

Sa Baguio kinunan ang mga eksena para sa bagong serye. Ayon kay Zaijian ay nakaram­dam siya ng pagkailang kina Jodi at Zanjoe noong una silang nagkaeksena. Hindi nagtagal ay napahanga naman at pinuri pa raw nina Jodi at Zanjoe ang trabaho ni Zaijian. “Noong mga unang lock-in pa lang namin, parang nagkakapaan pa kami sa characters namin, tapos parang hindi pa kami masyadong komportable. Kasi sa family kailangan unang tingin mo pa lang sa screen makita mo agad ‘yung bond. Siyempre sobrang saya kasi ‘pag pinuri ka ng co-star mo, sobrang nakakataba ng puso. At saka hindi ko rin naman magagawa ‘yung gano’n kung hindi rin dahil sa kanila. Kasi nagbibigay din sila kaya kailangan mo rin ibalik. Kaya kailangan ko rin galingan and sobrang nagkaroon din ng magandang resulta ‘yung ginawa namin,” nakangiting pahayag ng aktor.

Parang isang tunay na ama na rin daw ang turing ni Zaijian kay Zanjoe dahil magkasundung-magkasundo sila. “Si Kuya Zanjoe first time naming magka-work and sobrang galing niya. Wala akong negative na masasabi sa kanya on and off camera. Sobrang cool niya, parang tatay ko na talaga turing ko sa kanya. Tapos si Mama Jodi napi-feel ko na magulang ko siya, nanay ko siya. Kasi sobrang tagal din namin do’n sa lock-in. Feeling ko nakabuo ako ng isang pamilya talaga,” pagbabahagi ng binata.

Alexa, humuhugot ng lakas kay KD

Nagsimula ang magandang samahan nina Alexa Ila­cad at KD Estrada nang maging housemates ng Pinoy Big Brother Kumunity Edition Season 10 bago magtapos ang 2021. Ayon sa aktres ay talagang nahanap niya sa binata ang klase ng taong nakaiintindi sa kanya. “It was a two-way thing. If he got strength from me, I got strength from him, too. Our bond was just so genuine. From the very start, we had this really, really strong connection. We are the only ones who understood each other, and who wouldn’t get tired of each other. Inside the house where everything is so stressful honestly, mentally, spiritually, emotionally, physically, with all the challenges. It’s a giant blessing for me that KD was there. If he’s thankful for me, I’m thankful for him even more,” makahulugang pagbabahagi ni Alexa.

Isang proyekto ang nakatakdang pagtambalan nina Alexa at KD sa ilalim ng Dreamscape Entertainment. Ngayon pa lamang ay inaabangan na raw ito ng mga masugid na sumusuporta sa KDLex.

Ngayong araw ay matutunghayan sina Alexa at KD sa isang digital fan conference na may titulong KDLex: The Fancon. Mapapanood ito sa pamamagitan ng ktx.ph. (Reports from JCC)

vuukle comment

ZANJOE MARUDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with