^

PSN Showbiz

Kris, itinangging nakipagbalikan kay Mel

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris, itinangging nakipagbalikan kay Mel
Kris.

Thank you kay Kris Aquino sa pagsagot niya dun sa mga balita na baka magkabalikan sila ni Papa Mel Sarmiento. At least na-clear niya ‘yung mara­ming tanong na nasa isip ng followers niya.

Akala pa naman ng lahat natagpuan na ni Kris ang ‘the one’ para sa kanya, pero kung babasahin mo ang na­ging sagot niya parang umpisa pa lang ay hindi na buo ang nararamdaman niya kay Mel.

Masakit nga siguro ‘yung nag-try ang ate niya para kausapin si Mel pero iniwasan niya at hindi sinagot ang tawag ng ate ni Kris.

So noon pa lang pala medyo may mga ginagawa nang palpak si Mel, kaya mas mabuti ngang naghiwalay na sila. Plus ‘yung hindi pala kaya ni Mel na laging nasa tabi ni Kris lalo ngayon dahil sa kalagayan nito.

‘Yung hindi puwedeng i-sacrifice ni Mel ang pag-shopping niya sa isang middle class na clo­thing shop at pagpunta sa barbero. At how gross na sa text lang niya binreak si Kris.

Sayang talaga dahil nga akala ng lahat ito na ang hinihintay na matagal ni Kris, at inakala pang kasundo ng mga anak niya, pero hindi pala.

How sad. Sana naman hindi gaanong nasaktan si Kris at naka-move on agad, kundi dagdag stress pa sa kanya ang breakup nila ni Mel.

Hindi bale na, for sure, ang lucky the one ni Kris nandiyan lang, naghihintay din ng tamang timing. Magtatagpo din tiyak ang dalawang iyan, in God’s time. Pray natin, Gorgy at Salve.

Kris deserves to be loved, and has so much love sa puso niya na puwede niyang i-share.

Sana matagpuan na niya ang kanyang forever.

TIPMMG, live na uli!

Bongga ka, Salve, dahil after two weeks ng replay ng Take It… Per Minute Me Ganun, bukas ay live na tayo.

Na-miss ko tuloy ng dalawang linggo ang lunch sa Obra ni Nanay, at tawanan namin nina Cristy Fermin at Mr. Fu. Sabagay dahil gusto ni Salve na proteksiyunan kami ni Cristy na dalawang very senior ng Take It… kaya ayaw niya munang lumabas kami.

Kahit pa nga miss na miss na namin ang followers na talagang solid Take It... At least may mga naipon nang blind items si Mr. Fu, at kailangang i-research ko para mabuking hah hah hah. Riot tiyak ang second edition namin for the year 2022 dahil sabik na sabik kaming lahat.

Huwag n’yo pong kalimutan 12 to 1 ng hapon tuwing Martes, Take It… Per Minute Me Ganun, kasama ko po sina Cristy at Mr. Fu. Kita-kita po tayo, promise po, riot talaga.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with