^

PSN Showbiz

LGBTQ, nawindang sa sinabi ni Sen. Manny; 18 hours ni VP Robredo, inisyuhan

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
LGBTQ, nawindang sa sinabi ni Sen. Manny; 18 hours ni VP Robredo, inisyuhan

Maganda rin talaga ‘yung mga interview na ginagawa sa mga kandidato.

Alam mo na kung sino ang talagang handa sa kanilang magi­ging responsibilidad sakaling manalo at tumira sa Malacañang.

Kaya naman winner ang Jessica Soho Interviews ng GMA 7 na napanood nga last Saturday night at trending hanggang kahapon.

At pinatunayan ni Jessica na hindi siya biased.

Well-researched at walang naging takot ang mga tanong niya na akala mo ay hindi puwedeng pag-usapan ng presidential aspirants na sina VP Leni Robredo, Sen. Ping Lacson, Sen. Manny Pacquiao and Mayor Isko Moreno.

Kudos to Jessica na hindi nagpaapekto sa hindi pagsipot ni presidentiable Bongbong Marcos.

Anyway, isa sa sobrang aliw ang reaction sa social media ay tungkol sa sinabi ni VP Leni nang tanungin siya kung ilang oras sa isang araw niya puwedeng sabihin na nagtatrabaho siya.

Sagot niya ay 18 hours.

Sabi ng netizens, paanong magiging 18 hours ay 12 hours lang a day.

Whohahahaha.

Isa pang napansin ay ang laging kakabit na dialogue ni Mayor Isko na ‘Sa Maynila.’ In all fairness, marami naman talaga siyang nagawa sa Maynila pero nakakaawa na raw si former Mayor Joseph Estrada sa mga sinasabi niya.

Si Sen. Pacquiao ay marami naman ang nawindang sa sinabing maraming LGBTQ ang sumusuporta pero kontra pa rin siya sa same sex marriage.

At si Sen. Ping Lacson pala, ‘yung sinasabi niyang series na nagpabago sa kanyang stand sa death penalty ay Designated Survivor.

Pero ang totoong winner talaga sa pinag-usapang interview sa presidentiables, ang GMA 7 of course.

Umaapaw ang ads.

Kidding aside, prior to Jessica’s trending interview with presidential aspirants, iniisa-isa na rin ni Karen Davila sa ANC ang senatoriables.

At in all fairness, ang laking tulong din. Ang dami mong malalaman sa mga kumakandidato ring senador.

Anyway, inaabangan naman ngayon ang limang gabi, starting tonight, na nagbabagang talakayan kasama ang Asia’s King of Talk na si Boy Abunda sa The 2022 Presidential One-On-One Interviews with Boy Abunda, mula Enero 24 hanggang 28 sa The Boy Abunda Talk Channel sa YouTube at Kapa­milya Channel.

Sa mga isyung kinaharap ng Pilipinas sa ngayon, ano pa ba ang kanilang kasagutan sa mga tanong ng bayan? Alamin sa interview special ni Boy kina Sen. Panfilo “Ping” Lacson (Enero 24, Lunes), da­ting Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (Enero 25, Martes), Vice President Leni Robredo (Enero 26, Miyerkules), Manila Mayor Isko Moreno (Enero 27, Huwebes), at Sen. Manny Pacquiao (Enero 28, Biyernes).

Isa-isang haharap sa matitinding tanungan ni Tito Boy ang mga kakandidatong pagka-pangulo para lubos na maintindihan ng mamamayan ang kanilang plataporma para sa bayan tatlong buwan bago ang Halalan 2022.

Malalaman natin kung consistent ba sila or may pagbabago sa mga sasabihin nila kay tito Boy.

Broken Marriage, local ang flavor sa unang episode

Nasa Viu na ang first episode ng The Broken Marriage Vow since Saturday.

Very local ang flavor ng presentation nila, pero parang world class ang level.

At totoo nga na ang gaganda ng mga ginamit na outfit ni Jodi Sta. Maria na gawa ng local designers.

Ngayong gabi pa lang ito mapapanood sa free TV.

Iikot ang kwento ng The Broken Marriage Vow kay Dra. Jill Ilustre (Jodi). Masisira ang buhay niya sa oras na malaman niyang pinagtataksilan siya ng mister na si David (Zanjoe Marudo) kasama ang mas batang kabit nitong si Lexy (Sue Ramirez). Mapapagitna naman sa away nilang mag-asawa ang nag-iisa nilang anak ni David na si Gio (Zaijian Jaranilla).

vuukle comment

JESSICA SOHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with