^

PSN Showbiz

Mga nagkalat na squatter, pabalik-balik lang sa kanilang pinagmulan! ‘

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Pag nanood ka sa TV,  at makita mo ang mga homeless, o kaya ‘yung mga bahay ng informal settlers, maiisip mo, ‘di ba ang dami nating mga lupa na nakikita na parang hindi naman nagagamit? ‘Yung itayo sila ng low cost na bahay saka ipa-rent to own para magkaroon sila ng sariling bahay o kaya naman, kung wala namang trabaho dito bakit hindi na lang umuwi ng probinsiya, baka mas maganda pa ang buhay nila roon.

Kung minsan tayo na rin ang dapat huma­nap ng pa­raan para hindi tayo magmukhang kaawa-awa. Siguro may mga tao nga na mas gusto ang ganu’ng sitwasyon, nasa gitna ng hirap, walang bahay o kaya siksikan sa isang lugar.

‘Yung squatter area sa malapit sa Congress hindi ko maisip na araw-araw dumaraan doon ang mga congressman at nakikita ang hirap ng mga tao na walang sariling bahay. Hindi man lang ba nila maisip na gawan ng paraan ang bagay na iyon, malapit sa mga office nila, sa labas lang, tambak na squatter area.

Hay ewan ko, parang iyon lang eye opener na sa kanila, pero noon pa hanggang ngayon, nandu’n pa rin. Sabi naman kasi, bibigyan sila, ibebenta nila, at balik squatter uli. Ibig sabihin talagang iyon ang gusto nila, walang sariling bahay.

Kaya nga, kanya-kanya talagang gusto, wala tayong magagawa. Tanggapin na lang natin.

May second chance ba?

Balitang baka magkabalikan sina Kris Aquino at Papa Mel Sarmiento. Baka pa lang at wala pa namang sinasabi si Kris.

May mga sign daw na baka bumalik si Papa Mel kay Kris dahil talaga raw love nito ang nanay nina Joshua at Bimby.

In fairness naman kay Kris talagang ‘pag minahal ka niya all out siya para sa iyo.

Siguro nga naramdaman ni Papa Mel na sayang kung ‘di bibigyan ng second chance ang kanilang relasyon lalo pa nga at tanggap ng kani-kanilang pamilya ang kanilang love sa isa’t isa.

Well, love is lovelier the second time around, kaya sige na, Kris at Papa Mel, back na kayo sa isa’t isa.

vuukle comment

TV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with