^

PSN Showbiz

Belle, sobra ang ginagawang paghahanda sa kanyang concert!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Belle, sobra ang ginagawang paghahanda sa kanyang concert!
Belle
STAR/ File

Bukod sa pag-arte ay pinasok na rin ni Belle Mariano ang pagkanta. Noong isang taon ay maganda ang kinalabasan ng debut album ng dalaga na may titulong Daylight.

Ngayon ay isang concert naman ang pinaghahandaan ni Belle sa kauna-unahang pagkakataon. Gaganapin ang Daylight concert ngayong Sabado na mapapanood sa pamamagitan ng ktx.ph. “I’m really excited but at the same time parang ngayon pa lang nagsi-sink in sa akin na, ‘Oh my gosh, may concert pala ako.’ Honestly 10 years ago hindi ko nakikita na mangyayari ito. I was dreaming of this. That little girl was just dreaming of this and now finally I’m achieving and fulfilling her dreams. Grabe, iba talaga ‘yung pakiramdam and I’m just so grateful na nabibigyan ako ng ganitong opportunities. Despite all the anxieties since I’m performing nga, parang more of grateful ‘yung nararamdaman ko na kasi nagagawa ko na ‘yung pinapangarap ko,” bungad ni Belle.

Maraming bagay ang ginagawa ng aktres bilang paghahanda sa kanyang kauna-unahang digital concert. “Hindi muna ako iinom ng malamig. Talagang iiwas muna ako sa sweets. And siyempre kahit rehearsal I want to give my very best para alam ko rin kung paano ko siya gagalingan. I had rehearsals with the band. I had meetings with direk Alco (Guerrero), so we can talk about the ideas na we both wanted it to be intimate. Para mas maging connected lahat. Unang rinig pa lang ng boses ko, alam na nila kung paano aatikin ‘yung music,” kwento ng dalaga.

Ayon kay Belle ay talagang kaabang-abang ang lahat ng kanyang magiging panauhin sa Daylight concert. Bukod kina Kyle Echarri, Jayda Avanzado at Donny Pangilinan ay special guest din ang kanyang iniidolo. “Hindi mawawala ang Ben & Ben. I’ve always been a fan of their work and their passion. Every time they perform I’m just in awe. Sobra talaga akong nagfa-fan girl. Then imagine, oh my gosh, kasama ko na sila,” nakangiting pahayag ng aktres.

JC, inaming may na-ghost

Inamin ni JC Alcantara na naranasan na niyang mang-‘ghost’ o ‘yung bigla na lamang hindi nagparamdam sa isang babaeng idini-date niya ilang taon na ang nakalilipas. Ayon sa aktor ay nagawa niya ito sa isang babaeng artista na rin ngayon. “Oo nang-ghost na kasi first time din naming magkasama noon. Siguro inisip ko muna ‘yung sarili ko that time. Kasi paano kung maging kami? Paano kung mag-away kami? Baka hindi na kami magkasama, baka hindi na kami magkita. ‘Yon ‘yung inisip ko kaya ko siya ghinost. Kasi gusto ko maging kaibigan na lang siya,” paliwanag ni JC.

Ang babaeng tinutukoy ng aktor ay si Gillian Vicen­cio na kasamahan din niya ngayon sa Rise Artists ng ABS-CBN. Mga commercial model pa lamang noon ang dalawa nang una silang lumabas. “Si Gillian Vicencio, no’ng nagko-commercial kaming dalawa, parang okay lang. Nagde-date kami, dinala ko pa siya sa simbahan. Gano’n ako makipag-date, gusto ko malapit siya kay Lord. Gustung-gusto rin ako ng mama niya na maging kami. As in love ako ng mama niya. Ayun nag-date kami no’n. After no’n, hindi na ako nagparamdam. Love you, Gillian,” nakangiting kwento ng binata.

Muling nagkrus ang landas nina JC at Gillian nang maging bahagi pareho ng Star Magic noong 2019. “No’ng nagkita na kami naging artista na rin siya. Sabay kami naging part ng Star Magic. May ilangan pero napag-usapan namin. ‘Uy! Sorry ah,’ sabi ko. ‘Okay lang, okay lang,’ sabi niyang gano’n. At least friends tayo ngayon, masaya tayo ngayon. Si Gillian Vicencio, love ko ‘yon,” pagtatapos ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

BELLE MARIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with