^

PSN Showbiz

Janine at Paulo, magkasamang bibiyahe sa Amerika

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Janine at Paulo, magkasamang bibiyahe sa Amerika
Janine at Paulo
STAR/ File

Nasubaybayan ko sa iWant TV ang Marry Me, Marry You na katatapos lang nung nakaraang linggo.

Ayoko na lang magmalisya pero nakikita talagang kumpor­table na sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino sa isa’t isa.

Puwede mong paniwalaan ang nakakarating na tsismis na may namumuong magandang relasyon sa dalawa.

Posible naman talagang magkadebelopan sila sa teleseryeng ito, at hindi pa rito matatapos dahil magsasama pa sila sa ilang series of shows sa Amerika na pangungunahan ni Ogie Alcasid.

Pinu-promote na nga nila ito sa kanilang social media accounts.

Kaya nga ang inaabangan naman ay magkakadebelopan din kaya sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz?

Nalungkot ang ibang staff nung natapos ang The Clash dahil sila mismo ay natutuwa at kinikilig sa tandem ng dalawa.

Pero hindi raw nila nakitaan ng malisya ang closeness ng dalawa. Sa huling interview nga kay Julie Anne, hanggang friends lang talaga ang sa kanila ni Rayver, at hanggang ngayon ay lalo silang naging close friends.

Aniya; “We’ve always been close. Sobrang close talaga namin ni Rayver. We enjoy each other’s company, saka sobrang okay kaming dalawa.

“Si Rayver, best friends talaga kami niyan ever since. We’ve been very close.”

Natawa na lang nga ang kapatid ni Rayver na si Rodjun nang sinabi ko sa kanyang bilang isang JulieVer fan, umaasa kaming magkatuluyan ang dalawa.

Mabait si Rayver na swak kay Julie Anne na napakabait din.

“Naniniwala ako sa plano ng Diyos para sa isa’t-isa sa atin. So, ipagdasal lang natin, at alam kong darating ang tamang tao para sa kanya, kagaya po nangyari sa buhay ko,” pahayag ni Rodjun nang matanong ko ang lovelife ni Rayver.

Jessica, pinuri!

Hanggang kahapon ay trending pa rin ang hashtag na #JessicaSohoInterviews dahil sa napakagandang pakikipagpanayam niya sa apat na presidentiables.

Sayang at hindi nga nakasali si Bongbong Marcos.

Iba’t ibang opinyon ang nababasa namin sa social media, pero base sa mga sagot ng apat na presidentiables, sina Sen. Ping Lacson at VP Leni Robredo ang mas napupuri dahil sa mga sagot nila sa mga isyung inilatag ni Jessica Soho.

Napanood ko rin ang kabuuan ng interview na ito, at agree ako sa komento ng isang netizen na; “Sen. Ping and VP Leni showed expe­rience and know­ledge with their answers. Isko’s all about Manila and he tried to position himself as Duterte 2.0. Manny showed empathy and sincerity, kaso halata na kulang sa experience.”

Pinuri si Jessica sa matapang at patas na pagtatanong sa apat na kandidato pero kudos din sa buong team nitong special na ito, dahil ang galing ng research at ang format ng interview.

Ang laking challenge tuloy nito sa one on one interview ni Kuya Boy Abunda sa limang presidentiables na magsisimula na bukas sa kanyang YouTube channel na magsisimula ng alas-sais ng gabi, at sa Kapamilya channel ng 11 p.m.

Ibang atake rin ito, pero huwag naman sanang ikumpara sa ginawa ni Jessica Soho, dahil magkakaiba naman sila ng atake.

Ang mahalaga ay lalo nating makilala ang susunod na presidenteng ihahalal natin.

vuukle comment

JANINE GUITIEREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with