^

PSN Showbiz

Sue, ipinagtanggol ang pagiging kabit!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sue, ipinagtanggol ang pagiging kabit!
Sue.

Magsisimula na ngayong Lunes ang The Broken Marriage Vow na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo at Sue Ramirez.

Kontrobersyal ang karakter ni Sue bilang si Lexy na siyang magiging third party kina Jodi at Zanjoe. “Alam ko sa heart, alam ko ‘yung mind, alam ko na hindi siya masamang tao. Personally as myself, ang mali ay mali. I really cannot say so much because I really don’t have the experience for it. Ipagtatanggol ko talaga si Lexy kasi there are other women who are also victims. Hindi naman sila lahat masamang tao rito. You have to understand where they are coming from. Dapat maunawaan nila na I think Lexy is also a victim. Victim of flowery words, of broken promises. Nakita ko talaga na victim si Lexy dito. Madami siyang maling choices. Pero naiintidihan ko ‘yung mga choices niya kasi nga may factors,” pagbabahagi ni Sue.

Ngayon pa lamang ay ramdam na raw ng aktres na makakatikim siya ng mga masasakit na salita mula sa mga manonood ng kanilang serye. “Nakupo! Sa totoong buhay hindi ako natatakot na ma-bash kung ang basehan naman ay character. The more na maba-bash ako, the more na magpapasalamat ako sa mga tao. Kasi at least na-appreciate nila ‘yung ginawa ko sa character. And alam na siguro ng mga tao ‘yan. Alam ko naman na ‘pag bina-bash nila ako, ang binabash nila ay si Lexy pero hindi si Sue. Nananawagan ako sa lahat, kalma lang po tayo. May pandemic ngayon, huwag masyado manggigil sa akin. Pero okay lang sa akin, tatanggapin ko lahat. Hindi ako para pigilan sila sa mga nararamdaman nila at gigil nila. Sasali po ako mam-bash,” natatawang pahayag ng dalaga.   

Madam Inutz, tuluy-tuloy na ang pagiging singer

Unang nakilala bilang online seller si Madam Inutz o si Daisy Lopez sa tunay na buhay. Mas umingay ang pangalan ng online sensation nang naging isa sa housemates ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 kamakailan.

Noong isang taon ay nailunsad na ang kanyang kantang Inutil  at ngayon ay tuluy-tuloy na ang pagkanta ni Madam Inutz.  “Actually po katatapos ko lang po na mag-recording ng isang kanta na may title na Marites. Apat po na kanta ang naka-lineup na ire-record ko,” kwento ni Madam Inutz.

Kailan man ay hindi raw inakala ng baguhang singer na mangyayari ito sa kanyang buhay. “Sa akin nga po hindi ko inakala kasi siyempre sa edad ko at hindi na rin po ganoon kaganda ‘yung boses ko. Pero nagpapasalamat ako na patuloy akong tinatangkilik ng mga supporter ko. Kaya ginagawa ko rin po ang best ko para mapasaya ang mga taong sumusuporta sa akin,” pahayag niya.

Naibahagi rin ni Madam Inutz na ang komedyanteng si Brenda Mage ang pinakanapalapit sa kanya habang nasa loob ng PBB house. “Si Brenda po talaga kaya nabansagan kaming Marites. Kasi po talagang nagkasundo kami at parehas kami na masaya lang. Minsan ‘yung pagiging masaya mo nakikitaan nang hindi maganda ng ibang tao. Pero talaga naman kakaiba ang nabuo naming samahan sa loob ng bahay ni Kuya. Actually mayroon kaming group chat ng housemates na hanggang ngayon ay continous pa rin kaming nag-uusap,” paglalahad ng baguhang singer. Reports from JCC

 

vuukle comment

SUE RAMIREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with