^

PSN Showbiz

Joshua jojowain si Ivana, pero takot pang ma-in love

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Joshua jojowain si Ivana, pero takot pang ma-in love
Joshua
STAR/ File

Dahil sa ginawa ni Julia?!

Game na hinarap ni Joshua Garcia ang mga tanong tungkol sa kanyang love life at hamon ng netizens sa unang palabas ng Truth or Dare benefit interactive show series, ang ikalawang fundraising activity ng Tulong-Tulong sa Pag-ahon: Isang Daan Sa Pagtutulungan ng ABS-CBN at ABS-CBN Foundation para sa mga nasalanta ng typhoon Odette.

Inintriga ng hosts na sina Alora Sasam at Darla Sauler si Joshua sa kanyang love life ngayon. Ibinahagi ng Viral Scandal star, “Nakaka-miss ‘yung may nilalambing. Miss ko na ‘yung ganun na feeling. Miss ko na ‘yung may inaala­gaan ako. Siguro hindi pa ngayon. But I can wait.”

Inamin din niya na nagkaroon siya ng trust issues kaya natatakot siyang magmahal muli, pero ‘di niya sinasarado ang puso sa posibilidad. Aniya, “Kahit walang akong girlfriend, I’m happy na nagiging best version pa rin ako ng sarili ko.”

Bago makapagbato sina Alora at Darla ng tanong at hamon kay Joshua, kinailangan munang magbigay ang mga manonood ng ilang diamonds at virtual gifts sa Kumu. Sinimulan ni Joshua ang programa sa pamamagitan ng isang live performance ng kanyang viral na sayaw, na mayroon na ngayong mahigit 93.5 milyong views sa TikTok.

Nang umabot na sa 800,000 diamonds, tinanggap ni Joshua ang unang dare na tugtugin ang kanyang gitara. Pinasaya niya ang fans sa kanyang pagkanta ng Torete at Sa Susunod na Habang Buhay habang naggigitara.

Habang kinikilig ang netizens, tinanong si Joshua kung sinong babaeng Kapamilya star ang nais niya maging text mate. Kung mabibigyan ng pagkakataon, pipiliin daw ni Joshua ang aktres na si Ivana Alawi. Kinuwento rin niya na dati na silang nag-text para sa isang YouTube collaboration, ngunit ‘di ito natuloy.

Napatanong tuloy sina Alora at Darla kung “jojowain o totropahin” ba ni Joshua si Ivana. Sagot ni Joshua, “Siyempre jojowain. I mean, come on, choosy ka pa ba? I mean, mabait, maganda, sexy...” Ngunit nilinaw din niya, “Pero ‘di kasi lahat ng tao meant para magkarelasyon, alam mo ‘yon? May nakatadhana sayo na mame-meet mo lang para maging kaibigan mo.”

Matapos maabot ang dalawang milyong diamonds, tinupad ni Joshua ang isa sa pinakahinihiling ng viewers, ang tawagan na niya si Ivana. Tinanong din ni Darla si Ivana kung jojowain o totropahin ba nito si Jo­shua. Mabilisan itong sinagot ng aktres ng “Secret!”

Sa paglipas ng gabi, hinamon si Joshua na tawagan ang iba pa niyang kapwa stars tulad nina Daniel Padilla, Dimples Romana, at ang kanyang  Darna: The TV Series co-star at dating ka-love team na si Janella Salvador.

Tinawagan din ni Joshua ang kanyang Viral Scandal leading lady na si Charlie Dizon. Tinanong ng actress kung bakit siya napatawag at sinabi lang ni Joshua, “Miss na kita eh!”

Sinundan ng Truth or Dare ang mga By Request Benefit Concert na nakalikom ng P5.18 milyon mula sa mga hinandog na awit nina Regine Velasquez-Alcasid, Kyle Echarri, Ogie Alcasid, KD Estrada at Alexa Ilacad, Jed Madela, Gigi de Lana at GG Vibes Band, Moira dela Torre kasama sina Jason Marvin at I Belong to the Zoo, Darren Espanto, Erik Santos, at Gary at Kiana Valenciano.

vuukle comment

IVANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with