^

PSN Showbiz

Claudine, walang nakitang pagbabago kay Mark Anthony

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Claudine, walang nakitang pagbabago kay Mark Anthony
Claudine.

Muling nagkatrabaho sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez para sa pelikulang Deception ng Viva Films. Mapapanood ito sa pamamagitan ng Vivamax simula ngayong Jan. 28.

Matatandaang huling nagkatrabaho ang dating magkasintahan sa pelikula ng Star Cinema na Mangarap Ka noong 1995. Ayon kay Claudine ay mas gumaling ngayon si Mark bilang isang aktor. “Lumalim siya bilang aktor, pinag-aralan niya ‘yung role niya. Adventurous siya at nag-explore sa pelikulang ito. Magaling si Mark, matagal naman nang alam ng tao ‘yon. Lalo na ngayon at nagulat ako na sobrang gumaling talaga siya. Nag-mature siya tapos ibinibigay niya lahat ang mga requirements ni Direk Joel (Lamangan),” paglalarawan ni Claudine.

Matagal-tagal nang hindi nakagagawa ng proyekto ang aktres. Masayang-masaya si Claudine nang mabalitaan ang tungkol sa kanilang reunion movie ni Mark. “26 or 27 (years ago) na kami huling nagkatrabaho ni Mark. Si Mark hindi talaga mahirap makatrabaho o makasama, sobrang professional niya. No second thought, tinanggap ko talaga agad. Matagal ko na kasing gustong makatrabaho si Mark at alam naman niya ‘yon kaya nang dumating ‘yung offer, nag-go agad ako. ‘Yung Mangarap Ka, love story ‘yon pero hindi malalim. So dito kami ni Mark nagtutulungan kami. Walang ilangan at nag-uusap kami kung anong gagawin sa scene,” kwento ng aktres. 

Para kay Claudine ay hindi nagbago ang mga katangian ng aktor mula noong magkasintahan pa sila hanggang ngayon. “Si Mark the same pa rin, very protective, very sweet. Parang wala namang nagbago sa kanya kundi lalo siyang bumait ngayon, at saka very professional,” pagtatapos niya.

Sean, nag-iipon para sa dream house

Nakilala si Sean de Guzman sa paggawa ng sexy films. Nangangarap umano ang binata na makagawa rin ng isang makabuluhang pelikula at makilala bilang isang magaling na aktor. “Sa mga susunod na projects namin, gusto naming ma-recognize. Kumbaga mapabilib namin ‘yung mga tao sa acting namin at makasali sa mga film fest. ‘Yon talaga ang goal. Gusto naming makasabak ng mga magiging bala sa international film,” pagbabahagi ni Sean.

Muling nagbida ang aktor at si AJ Raval sa pelikulang Hugas na napapanood na ngayon sa Vivamax. Para kay Sean ay ibang-iba ang bagong pelikula kumpara sa mga nagawa nila noon ni AJ. “Siguro ‘yung difference sa mga past projects namin, action ito tapos maangas ‘yung mga madidikit ko na word sa pelikulang ito. Pinaghandaan talaga namin ito, nag-training kami. Nagpakapagod muna kami bago kami sumalang sa mga eksena,” giit ng binata.

Samantala, bilang baguhan pa lamang sa show business ay iniipon daw ni Sean ang lahat ng mga kinikita para sa kanyang kinabukasan. “Nagse-save ako ng money for the future, goal ko ring makabili ng dream house para sa pamilya ko,” giit ng sexy actor. Reports from JCC

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with