^

PSN Showbiz

Seth, hirap dating magmemorya ng script

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Seth, hirap dating magmemorya ng script
Seth.

Napapanood na ngayon sa pamamagitan ng iQiyi ang Saying Goodbye na pinagbibidahan nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin. Malaki ang pasasalamat ng aktor dahil hindi nawawalan ng proyekto sa gitna ng pandemya at patuloy pa ring sinusuportahan ng mga tagahanga. “Lahat ng meron kami ngayon, ‘yung meron na natatanggap namin sa Itaas, siyempre lahat din ‘yan ay sa tulong nila. Lahat ng ginagawa namin ay para sa sarili namin at sa pamilya namin at sa lahat ng tumatangkilik, lahat ng humahanga sa amin at nagmamahal,” bungad ni Seth.

Kahit marami nang nagawang proyekto ay talagang namang mayroong pagkakataon na nahihirapan ang aktor sa trabaho. “Pinakanahirapan ako do’n sa six pages na linya talaga. Do’n ako nahirapan sa sobrang daming linya. Kahit may challenges naman talagang kaya namin. Individually, kasi sa lahat ng project na napasukan ko nagtatanong ako pagkatapos sa mga senior actor  na nakasama ko kung ano ba ang mali ko. Ano pa ba ‘yung kulang sa akin na pwede ko pa dagdagan at bigyang pansin. Dati hirap talaga ako mag-memorize ng script. Pero nakaka-proud sa sarili ko na babasahin ko na ‘yung buong script tapos ‘pag alam ko na ‘yung takbo ng kwento, naaalala ko na ‘yung lines,” pagbabahagi ng aktor.

Gigi, ibinuhos din ang emosyon sa pag-arte

Baguhan pa lamang sa pag-arte si Gigi De Lana. Katambal ng dalaga sa seryeng Hello, Heart si Gerald Anderson na mapapanood na simula ngayong Dec. 15 sa iQiyi.
Aminado ang singer-actress na talagang kinabahan nang gawin ang bagong proyekto. “It’s my first time doing this kasi nga puro kanta ako. Talagang na-pressure ako. Pero now na nakikilala ako as artista, siyempre it’s a big accomplishment for me. Kasi sa pag-aartista hindi naman ako kumakanta lang do’n eh. Binibigay ko ‘yung buong puso and very open at very vulnerable talaga ang pagiging artista. So I’m very, very happy na ganito ‘yung nakakamit ko,” paglalahahad ni Gigi.

Nakilalang magaling na singer ang dalaga. Ayon kay Gigi ay ibinubuhos niya rin ang lahat ng emosyon sa pag-arte katulad ng kanyang mga ginagawa sa tuwing kumakanta. “Parehas vulnerable ‘yung mga puso. Kasi ako minsan ‘pag kinakanta ko ‘yung song naiiyak ako. Kasi ‘yung composers iba ‘yan eh, ‘pag gumawa sila ng song eh. So iniisip ko ano ba ‘yung ginagawa ng composer? Ano ‘yung naisip niya, bakit niya ginawa itong song na ito? Para kanino ‘yung nararamdaman niya? Then babasahin ko ‘yung lyrics ng paulit-ulit. Para malaman ko ano ba talaga ‘yung kailangan kong emotion dito sa song. Same habang nagbabasa ako ng script,” paliwanag ng baguhang aktres.
(Reports from JCC)

vuukle comment

SETH FEDELIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with