^

PSN Showbiz

Korean actor na si Song Joong-Ki, effortless magpaiyak

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Korean actor na si Song Joong-Ki, effortless magpaiyak
Song Joong-Ki.

Alam n’yo ba na sa tanda ko at tagal sa showbiz, ngayon ko lang na-experience iyon sinasabi nila Lino Brocka at Ishmael Bernal na quiet dramatic scene na nakakaiyak?

Iyon bang walang dialogue, walang galaw ang kamera pero ang sakit sa dibdib? Kasi nga, baka naman nun dahil hindi ako seryoso sa panonood kaya hindi ko napapansin ang mga ganitong eksena.

Or talagang mas maganda na pag nanood ka nandun ang concentration mo, walang ibang distraction dahil mag-isa ka lang, kaya mas na feel mong mabuti iyon emotion na dala ng pinapanood mo.

Umiyak kasi ako dun sa eksena kung saan nakatingin si Song Joong-ki sa nanay niyang maysakit na ipinamigay siya nuong bata siya at hindi alam na siya ang anak nito sa Korean drama na Vincenzo. Walang dialogue, walang background music, walang galaw ang kamera, basta nakatingin lang siya na parang gustong yakapin ang ina na nahihirapan sa sakit.

Feel na feel mo iyon suppressed emotion, iyon longing, mga unanswered question sa ginampanang role ni Song Joong-Ki.

Wow! Ang galing talaga. To think na hindi drama actor si Joong-ki pero nagawa ng eksena dahil sa ganda ng story telling na na-build up iyon emosyon mo.

Talagang hands-up ka sa galing nilang iayos ang editing para smooth ang takbo ng story telling.

Bongga siya. Watch ninyo ang palabas na ‘yun lalo na ang nasabing eksena, talagang ang bigat niya sa dibdib.

Talagang isang eksena sa gitna ng action serye na maloka ka. Na in love na naman tuloy ako uli kay Song Joong-ki, pero siyempre Jo In-Sung pa rin ang number 1 oppah ko. Hahaha.

Babu ‘welcome 2022’

Parang mura yata ang imported fruits ngayon. Marami akong nakita na ang mga gift na inihanda ay imported fruits, like pears, honeydew, persimmon, apples and grapes. Pero iyon dumating daw na oranges binili lahat ng isang Senator para ipamigay niya this Christmas.

Mas maganda nga siguro na ito ang matanggap na regalo dahil very practical at healthy pa. Panlaban sa ‘Gretchen Lovebox’ ang boxes of fruits.

Kahit pandemic, kahit katakot ang COVID, walang atrasan ang Pasko. Sabi nga, it is not the years that count, but it’s the life in your years that matter, kahit anong hirap, lagi natin isipin, nagkaroon din ng magagandang araw para sa ating lahat. Welcome 2022 and thank you.

 

vuukle comment

SONG JOONG-KI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with