^

PSN Showbiz

Sikat na male personality ipinasa sa pastor ang problema

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Matagal na panahon palang hindi magkasundo ang dalawang taong napakahalaga sa buhay ng isang sikat na male personality. Palagi silang nagkokontrahan.

Isa ‘yun sa pinakamahirap na sitwasyon sa buhay ng super-yaman at sikat na lalaking personalidad. Wala siyang puwedeng panigan, hindi siya puwedeng kumampi sa isa lang, pareho niyang mahal ang dalawang nagkakasundong puwersa.

Kuwento ng aming source, “Maraming taon na ang nakararaan ‘yun, nagsisimula pa lang na yumaman ang male personality, maraming kuwento tungkol sa dalawang babaeng mahal na mahal niya.

“Asawa niya ang isa, nanay niya naman ang kalaban. Kanino nga naman siya kakampi? Wala siyang puwedeng iligwak, kailangan niyang pakinggan ang magkabilang panig!” mainit na buwena-mano ng aming impormante.

‘Yun ang panahong sobra-sobrang biniyayaan ang kilalang male personality. Bumubulwak sa kabusugan ang kanyang kaban. Du’n hinugot ng mga impormante ang kuwento.

Patuloy ng aming source, “Sa kanilang probinsiya nagsimula ang kuwento. Hinaharang daw kasi ng misis ng male personality ang mga biyayang gusto niyang ibigay sa kanyang nanay.

“Kapag ang pamilya kuno ng babae ang nangangailangan, e, napakadulas ng palad ng girl para magbigay, pero kapag ang biyenan na niya ang nangangailangan, waley!

“Natural, nakararating ang pangyayari sa male personality, mga kapatid niya ang nagsasabi, problemado siya nu’ng mga panahong ‘yun dahil mahal niya ang mga taong nagbabanggaan! Naaawa siya sa mother niya, pero nag-aalala naman siya na baka maging dahilan ‘yun ng pahihiwalay nila ng misis niya!” detalye pa ng aming source.

Walang gustong kampihan ang male personality, gusto niyang magkasundo ang misis at nanay niya, pero hindi siya makapagsalita. May naisip na paraan ang problemadong male personality.

Dagdag na kuwento ng aming source, “Instead na siya, nakaisip ng paraan ang male personality, pastor ang ipinakausap niya sa dalawang babae. Matagal ang pag-uusap pero may magandang resulta.

“Nagkabati ang misis at nanay niya, palagi na silang nagba-bonding, hindi na pinagdadamutan ng misis si mommy! Napakasaya ng male personality, natapos din ang problema niya!

“Pareho niyang nakasama sa hirap ang dalawang babae, ayaw niyang meron siyang masaktang kahit sino. Ngayon, magkaibigan na at nagmamahalan ang magbiyenan!” masayang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Scammer turned Maritess, supalpal kay Aj Raval

Sinasabi na nga ba. Nagkatotoo ang aming kutob. Isang araw ay ang mismong mga artistang iginagawa ng mga imbentong kuwento ng isang nagpapanggap na legitimate influencer-scammer ang manglalaglag sa kanya.

Napakalakas ng loob ng taong ito sa paglalabas ng mga kuwentong hango sa kanyang ilusyon, nagtatahi-tahi siya ng mga istoryang siya lang ang naniniwala, may hangganan ang lahat.

Si AJ Raval mismo ang nanglaglag sa impostor! Tahasang nagpahayag ang dalaga na hindi kailanman nanligaw sa kanya si Diego Loyzaga.

Napakalinaw. Hindi nanligaw sa kanya si Diego kaya hinding-hindi sila nagkaroon ng relasyon. Nasaan na ngayon ang inilabas na kuwento ng scammer na naging dahilan si AJ nang matinding away sa isang hotel room nina Diego at Barbie Imperial?

Paano na ang ibinatong bote ng alak ni Diego sa aircon ng hotel room? Paano na ang mga nasirang kagamitan sa kuwarto na wala namang report sa mga otoridad?

Paano na ang hamon ng impostor na ito na kapag hindi pa rin nagsalita si Diego tungkol sa isyu ay ito na mismong pekeng influencer ang magbibisto ng katotohanan?

Hindi nagtatagal ang anumang fake. Pansamantala lang itong tututukan pero isang araw ay ang mga taong ginugulo nito ang buhay ang magkakanulo sa kanya.

Heto na nga. Pinabulaanan ni AJ Raval ang lahat-lahat ng mga pekeng kuwentong inilabas ng impostor! Sino pa ngayon ang maniniwala sa mga susunod na kuwentong ipo-post nito? Nakakaawang nilalang.

Ang kredibilidad ay hindi ipinanganganak nang magdamagan lamang. Pinagtatrabahuhan ‘yun nang maraming taon. Pinupuhunanan ng pagsisipag at pag-iimbestiga tungkol sa katotohanan.

Walang short cut sa kahit anong larangan. May hagdan na kailangang daanan. Bawat baitang ay napakahalaga dahil ‘yun ang palatandaan na unti-unti na nating nabubuo ang ating pangarap.

Walang pangarap na binuo lang natin ngayon na maya-maya ay nand’yan na ang sagot. Magsusunog tayo ng kilay bago maabot ang ating minimithi.

Sunog na sunog na ang nagpapakilalang legit influencer. Scammer na ang tawag sa kanya ngayon dahil sa kanyang mga imbentong istorya.

Better luck next time na lang.

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with