^

PSN Showbiz

Shido, kumikita sa swab business

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Shido, kumikita sa swab business
Shido.

Busy ngayong Holiday Season ang sexy actor na si Shido Roxas.

Dalawang pelikula ang pino-promote niya. Caught in the Act and Nelia.

Ang Caught in the Act ay mapapanood beginning Dec. 15 (streaming platforms) at official entry naman sa gaganaping Metro Manila Film Festival 2021 ang Nelia.

Pero wala siyang reklamo.  In fact, thrilled siya na sa kabila ng pandemya, abala siya sa trabaho, samantalang ang iba walang mahanap na pagkakakitaan.

“It’s busy but I am not complaining. I’m just thankful,” aniya nang makausap namin last weekend.

Bukod pa ito sa business niyang The Swab Doctor na ayon sa actor ay ‘Fastest COVID-19 home service tests, RT-PCR, Antigen, & Antibody tests and DOH & FDA Accredited Lab Partner.’

Maraming event ngayon ang kailangang dumaan muna sa swab testing ang mga dumadalo kaya naman nagpapasalamat din siya na malakas ang kanilang pinasok na negosyo.

Sila ngayon ang madalas mag-service sa mga taping na must ang swabbing.

Malaki rin ang investment nila rito pero maganda ang galaw nito ayon kay Shido kaya naman nagpapasalamat din siya.

October lang sila nag-start pero mabilis nilang nare-recover ang kanilang investment.

Na siguradong mas lalakas pa dahil sa bagong variant, ang omicron, kaya importante ang swab sa mga ginaganap na event.

Anyway, hindi first time ni Shido sa MMFF.

Nauna na siyang napasali sa award winning movie na Rainbow’s Sunset.

Siya ang batang Eddie Garcia sa naturang pelikula kaya naman grabe ang naging kissing scene nila ng aktor din si Ross Pesigan na siyang gumanap na batang Tony Mabesa.

At maraming nakaalala sa nasabing mga eksena dahil nga may entry na naman siya.

Nagkaroon din siya ng ‘lunok’ label matapos siyang maging guest sa Wish Ka Lang bilang lover ni Christopher de Leon na natsugi. Pero nang matigok siya sa eksena, napalunok siya na pinagpiyestahan ng viewers and netizens. Kaya na-label siyang Lunok King.

Pero ayon kay Shido, kinausap na niya ang manager niyang si Leo Dominguez na sa babae na niya gustong makipaghalikan sa susunod na mga acting assignment.

 

vuukle comment

SHIDO ROXAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with