^

PSN Showbiz

Mga dating empleyado ng ABS-CBN regional, nabuo sa Christmas video

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Mga dating empleyado ng ABS-CBN regional, nabuo sa Christmas video

Nangibabaw ang kabutihan, katapangan, at malasakit ng Pilipino sa inilunsad na Christmas music video ng MOR Entertainment at ABS-CBN Regional noong Dis. 1 na nagtatampok sa iba-ibang wika sa mga rehiyon sa bansa.

Sa kanilang sariling bersyon ng Andito Tayo Para Sa Isa’t Isa: Ang Christmas ID ng Pilipino, ibinida nila ang kwento ng mga kababayan nating patuloy na lumalaban at naglilingkod sa kapwa at sa kanilang pamilya. Isinalin din ang ilang bahagi ng kanta sa sa Bisaya, Waray, Ilocano, Pangasinense, Kapampangan, Bicol, Chavacano, Hiligaynon, at Cebuano.

Kabilang sa mga itinampok dito ang isang miyembro ng Philippine Air Force na nagsanay mag-swab para sa mga kapwa sundalo, at nars, mga fish vendor, at guro na tuloy pa rin sa kanilang trabaho sa kabila ng pandemya. Ibinahagi rin ang kwento ng isang pedicab driver na tinalikuran ang bisyo para sa kanyang mga mahal sa buhay, at ang isang ina na milya ang nilalakad sa pagtitinda upang kumita para sa kanyang mga anak.

“Ito ang kwento ng mga Pilipinong nagtatagumpay sa tulong ng Diyos at bawat isa-isang kwentong hindi natin kakalimutan, ngayong pasko and For Life,” ika ni Dennis “David Bang” Ba-ang, ang MOR creative lead at siya ring editor at producer ng music video.

Ayon kay ABS-CBN Regional officer-in-charge Kiby Bosque, binuo nila ang Christmas video kasama ang mga dating empleyado ng ABS-CBN Regional na isinasabuhay pa rin ang pagiging “in the service of the Filipino.”

“Taos puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga tumulong na mabuo ang music video na ito. Nakakataba ng puso ang walang humpay na pagmamahal at pagsuporta ng ating mga kapa­milya sa ABS-CBN, sa ABS-CBN Regional at sa MOR,” sabi niya.

 

vuukle comment

CHRISTMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with