^

PSN Showbiz

Michelle, sinagot ang intrigang buntis!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Michelle, sinagot ang intrigang buntis!
Michelle Vito at Enzo Pineda.

Magdadalawang taon nang magkasintahan sina Michelle Vito at Enzo Pineda.

Para sa aktres ay malaki ang naitulong sa kanya ng pagkakaroon ng nobyo sa panahon ng pandemya. “Mas okay na nando’n si Enzo during the pandemic. Of course hindi naman talaga easy ‘yung pandemic. Iba talaga na you have someone. Iba talaga ‘yung may kasama ka and may loved one ka aside from your family na nandiyan para sa ‘yo,” bungad ni Michelle.

Unang nagkakilala sina Michelle at Enzo nang magkatrabaho sa teleseryeng Nang Ngumiti Ang Langit noong 2019. Ayon sa dalaga ay talagang ang aktor ang kanyang nagustuhan sa dami ng mga nanliligaw sa kanya noon. “Siya ‘yung consistent talaga na mag-effort. So ‘yon ‘yung nag-matter talaga. Kasi parang sa umpisa naman talaga meron naman talaga sa tao kung ano ‘yung type natin. May standards tayo kung ano ba ang gusto natin. But sa huli kasi ang nagma-matter talaga is ‘yung ugali, ‘yung personality ng tao and ‘yung love talaga,” pagbabahagi ng dalaga.

Kamakailan ay napabalitang nagdadalang-tao na diumano si Michelle pero wala naman itong katotohanan. “Bakit ‘pag single ang sasabihin sa ‘yo nag-gain ka ng weight. Kapag may boyfriend ka na, ang sasabihin sa ‘yo buntis agad. I think ‘yung diffe­rence na masyado nilang ina-assume agad porke may boyfriend,” pagtatapos ng aktres.

Kimpoy, itinanggi ring may relasyon sila ni Heaven

Naglabas na rin ng kanyang saloobin ang aktor at video blogger na si Kimpoy Feliciano tungkol sa naging ispekulasyon ng netizens sa kanila ni Heaven Peralejo.

Maraming mga larawan na makikitang magkasama sina Heaven at Kimpoy sa Instagram. Dahil dito ay nagsimulang kumalat ang balitang mayroon ng espesyal na namamagitan sa dalawa. “Hindi talaga kami, hindi kami ni Heaven. Hindi ko alam kung maniniwala pa rin kayo. ‘Yung iba may sariling paniniwala na kahit sasabihin mo hindi, iisipin nila na, ‘Ah tinatago n’yo lang or ayaw n’yo lang aminin. Nasa sa inyo na kung maniniwala kayo o hindi pero sinabi na rin naman ni Heaven sa interview niya na friends lang talaga kami. We’re really close and siya ‘yung lagi kong nakakasama recently. Talagang sobrang nagkasundo kami,” paglalahad ni Kimpoy.

Ayon sa baguhang aktor ay matagal na silang magkakilala ni Heaven. Naging malapit sa isa’t isa sina Heaven at Kimpoy nang nagkasama sa pelikulang Happy Times noong isang taon. “Noon pa, siguro pagkalabas pa lang niya ng PBB. Merong mga event na usually kami ang magkasama. Hanggang sa naging friends kami. Lagi kaming magkausap, sabay kaming kumakain,” kwento ng binata. Reports from JCC

 

vuukle comment

MICHELLE VITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with