^

PSN Showbiz

Komedyante, naunsyami ang negosyo sa eleksyon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Matinding pagkabigo ang inabot ng isang kilalang male personality sa paghahanap ng oportunidad na makalahok siya sa eleksiyon. Na­ging abala siya sa pag-iikot pero siya ang napaikot.

Para sa marami ay ginagawa kasing negosyo ng male personality ang pulitika. Wala siyang pakialam kung matalo man siya, ang mahalaga ay humahalakhak ang kanyang bulsa, ganern!

Kuwento ng aming source na kilalang-kilala na ang hilatsa ng male personality, “Last year pa lang, e, nag-iikot na siya, nagha­hanap siya ng mga pulitikong ba-back-up sa kanya! Pinaghahandaan niya ‘yun, namumuhunan siya ng panahon, kumandidato lang siya!

“Ano bang hindi naman siya tagaroon? Wala siyang pakialam! Kayang-kaya niyang palabasin na matagal na siyang nakatira sa lugar na ‘yun para hindi makuwestiyon ang kandidatura niya!” unang hirit ng aming impormante.

Nakatagpo ng katapat ang male personality, isang kilalang pulitiko sa bandang Norte ang nangako sa kanyang pagtakbo, pero anyare?

Patuloy ng aming source, “Madalas siyang magpunta sa opisina nu’ng politician. Palagi siyang dumadalaw. Inaabut-abutan naman siya ng budget ng pulitiko!

“Kasi nga, e, pinangakuan siyang isasama nu’ng pulitiko sa partido nila. Ayaw niya sa pagiging konsehal lang, congressman ang gusto niyang posisyon! ‘Yun ang gusto niyang takbuhan!

“Oo naman nang oo ang kausap niyang politician, paniwalang-paniwala siya na makapagnenegosyo na naman siya sa parating na election! Pero nagbago ang isip nu’ng politiko!

“Kasi naman, napakalayo pa ng eleksiyon, pero humihingi na ng downpayment ang male personality! Kailangan na raw niyang mag-ikot sa distrito para alam na ng mga tagaroon na tatakbo siya!

“Para raw visible na siya sa place, para raw kumalat na agad-agad ang balita na siya ang tatakbong congressman du’n!

“Maraming kuwentong nakarating sa kilalang politician, tinabangang bigla ang pulitiko, kaya hindi na siya kinakausap kapag nagpupunta siya.

“Gawin bang business ang politics? Nakakaloka siya! Palagi na lang siyang ganyan, kumakandidato sa lugar na hindi naman siya tagaroon!

“To make the loooooooong story short, ang male personality ang napaikutan ng pulitiko, bigung-bigo siya, hindi siya kumita! Belat na lang sa kanya!” nakairap na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Barbie nabuking sa sariling bibig ang pinanggalingan

“What is beauty if your panty is dirty?” Gasgas na gasgas ang linyang ‘yan sa showbiz na ipinatutungkol sa magandang personalidad pero basura naman ang ugali.

Minsan pa naming nabasa ‘yun sa social media, si Barbie Imperial ang tinutumbok ng mga Maritess, aanhin daw ang kagandahan kung ganu’n naman ang ugali ng dalaga?

Kahit kami ay hindi nagkakagusto sa tulis ng dila ng babaeng ito kung makapagsalita laban kay AJ Raval na kinaiinsekyuran niya. Matinding magsalita si Barbie, pakiramdam niya ay inaahas ni AJ ang boyfriend niyang si Diego.

Literal na niyang inaari si Diego na boyfriend pa lang naman niya. Binabakuran niya ang marespetong aktor na para bang asawa na niya.

Dapat malaman ni Barbie na hindi itinuturing na pag-aari ang isang tao. Ang inaari lang ay ang ating pangalan. Atin lang ‘yun at hindi maaaring angkinin ng iba.

Ang bahay at lupa, inaari rin ‘yun, ang damit, ang sapatos, anumang bagay na tayo ang bumili. Pero ang tao ay hindi. Hindi niya pag-aari si Diego, boyfriend lang niya, nagmamahalan lang sila.

Kung ‘yung asawa na nga ay nakalulusot pa, nagkakaroon ng third party, kabit o mistress. Galit na galit siya kay AJ Raval, gusto raw nitong maging kabit ni Diego, e, ayaw nga raw ng boyfriend niya ka AJ!

Ay, kasal na sila, kaya kabit ang ginamit na termino ni Barbie? Hindi maganda ang tubo ng  dila ng dalagang ito na isinunod pa naman sa magandang manyika ang pangalan.

Tanong ni prop na iritado kay Barbie, “Saan ba lumaki ang babaeng ‘yun? Bakit masyado siyang butangera? Bakit hindi kagandahan ang mga salitang ginagamit niya?

“Sayang na ganda, beauty is deceiving talaga. Maganda nga siya, kung mga basurang salita naman ang lumalabas sa bibig niya, sayang!” madiin pang komento ng kaibigan naming propesor.

Oo nga. Palaaway si Barbie. Mahilig siya sa kontrobersiya. Magulo ang mga kuwento ng lovelife niya. Gusto ba ni Diego na ganu’n ang imahe ng kanyang girlfriend?

Naalala tuloy namin ang dating PA ni Barbie na nagreklamo sa programa ni Kuya Raffy Tulfo. Ibinando nito ang ugali ni Barbie Imperial, maganda lang daw siya, pero pangit ang ugali niya.

vuukle comment

BARBIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with