^

PSN Showbiz

Sharon nasobrahan daw ng sweetness, lahat ng katrabaho laging binebeso

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sharon nasobrahan daw ng sweetness, lahat ng katrabaho laging binebeso
Sharon
STAR/ File

Lumabas na si Sharon Cuneta sa Ang Probinsyano nung nakaraang Biyernes, Nov. 26 pero mas mataas pa rin ang rating ng I Left My Heart in Sorsogon nina Heart Evangelista, Richard Yap at Paolo Contis.

First appearance pa lang ni Shawie ‘yun sa isang teleserye, kaya kaabang-abang din naman. Pero tingnan natin kung paano ma-develop ang role ni Sharon na puwedeng abangan sa naturang teleserye.

Mukhang nai-enjoy naman ng megastar ang participation niya sa Ang Probinsyano na nakikita naman sa mga ipinu-post niya sa kanyang Instagram.

May ilang mahaderang netizens lang na nagku-comment na nawi-weirduhan sa sweetness na ipinakita ni Sharon sa co-stars niya na kaibigan naman niya talaga. Halos lahat daw ay hinahalikan niya.

Sa mga hindi nakakakilala kay Sharon, ganun talaga siyang bumati kapag close sa kanya ang isang tao, hindi lang basta beso na dampi sa pisngi kundi talagang hinahalikan ka niya sa pisngi.

Hindi kaplastikan ‘yun, kundi nakikita talaga ang sincerity sa kanya kapag bumabati siya sa isang taong sobrang malapit sa kanya, kagaya nina Lorna Tolentino at Rowell Santiago.

Cong. Niña, pahinga na sa pulitika

Decided na si Cong. Niña Taduran ng ACT-CIS Partylist na hindi na   ipagpatuloy ang kanyang political career pagkatapos ng kanyang termino sa susunod na taon.

Babalik na raw siya sa kanyang first love, ang broadcasting dahil public service pa rin naman ito.

Simula ngayong araw ay magsisimula na siya sa kanyang radio program sa RMN DZXL 558 kHz, na pinamagatang On The Spot na prinodyus ng PR Solutions, Inc.

“Ang radyo naman talaga ang first love ko eh,” pakli ni Cong. Niña na sinasabi niyang tuloy pa rin naman ang serbisyo publiko.

Pero bago matapos ang kanyang term bilang Representative ng ACT-CIS, panalangin niyang sana maisabatas na ang bill na isinumite niya sa Kongreso, ang House Bill 2476 o Media Workers’ Bill na siya ang primary author.

Bilang taga-media, magandang legacy ito para kay Cong. Niña na maisabatas ang naturang bill para sa proteksyon ng mga taga-media na hindi patas ang trato ng ilang media companies.

Ani Cong. Niña; “Siyempre po, ang ating mga media worker  kumakapit na lang sa patalim kesa naman sa wala silang trabaho. So, it’s about time pagtuunan din natin ng pansin.”

Kaya humingi ng tulong si Cong. Niña na kalampagin ang Senado na pag-usapan na nila ito para maiakyat na sa Malacañang at mapirmahan ng ating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Last Jan. 6, 2021 na-approve na ito unanimously 218 yung nag-affirmative votes, walang nag-abstain, at walang kumontra.

“Kaya sobrang overwhelming ‘yung bill na yan, kaya nagpapasalamat ako sa mga colleagues ko sa18th Congress.

“Kaya dito na lang ako nananawagan sa ating mga mahal na Senador na sana matulungan naman tayo na maipasa na…especially kay Sen. Joel Villanueva kasi nasa Committee niya ito eh,” dagdag na pahayag ni Cong. Nina Taduran.

Bukod sa Media Welfare’s Act ay co-author din si Cong. Niña ng Eddie Garcia Law na nasa Senado na rin ngayon.

Isa rin daw ito sa inaasahan nilang maisabatas na para sa mga manggagawa ng entertainment industry.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with