^

PSN Showbiz

Mother Lily, nagpapagaling!

TAKE IT TAKE IT! - Pilipino Star Ngayon
Mother Lily, nagpapagaling!
Mother Lily.

Nabalitaan ko na bumalik ang dating sakit ni Mother Lily Monteverde kaya medyo quiet muna siya sa ngayon.

Kung iisipin mo nga na sa edad ni Mother Lily, para siyang Superwoman dahil sobra pa rin ang energy at busy pa rin para sa Regal Films.

Hindi ko ma-imagine na ang isang Icon na tulad ni Mother Lily ay mawawala sa eksena. Almost all of us na nakatikim ng golden years ng movies kung saan ang namayani ang Regal Films ay may utang na loob na tinatanaw kay Mother Lily.

‘Yung una naming mga travel abroad, ‘yungdown payment ng binili naming hulugan na house and lot, hulugan na kotse, lahat iyon merong participation si Mother Lily.

She is not only my second mother, kundi godmother ng lahat halos dahil nga sa generosity niya.

Forever grateful ako sa lahat ng naitulong niya sa buhay ko, for that, I will never stop praying for her safety and health.

Showbiz will never be the same again after Manay Ichu Maceda and Mother Lily. Sila talaga ang naging pader at haligi nito. They will always be a part of it. At kahit ilang siglo pa ang magdaan, part na sila ng history ng industriya. Mother Lily, stay safe always. Be strong, we love you.

Panibagong COVID variant, kinatatakutan

Nakakatakot naman na meron na namang bagong variant ng COVID.

Hindi ba nga bakunado ang iba sa atin, meron na namang sumulpot na bagong virus. Kaya naman talagang kailangan na ang booster para lalong tumibay ang panlaban natin sa katawan.

Isang puwedeng ipagmalaki ng Quezon City ang maayos na pagbibigay ng bakuna para sa lahat. Sa pagtutulungan nina Mayor Joy Belmonte at Councilor PM Vargas talagang masasabi ko na bakunado at protektodo ang halos buong Quezon City. Ang ayos ng pagbabakuna halos sa lahat ng mall, sa Big Dome at sa SM Nova talagang tuluy-tuloy ang bigay ng bakuna.

Naku ingat tayo talaga, hindi biro ang hirap ng ma-COVID. Kailangan talagang doble ingat. Bakuna is the answer, kaya pati bata, pabakuna na, please!

 

vuukle comment

MOTHER LILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with