^

PSN Showbiz

Gigi, naging open agad kay Gerald

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Gigi, naging open agad kay Gerald
Gerald at Gigi

Simula Dec. 15 ay mapapanood na sa pamamagitan ng iQiyi app ang Hello, Heart na pinagbibidahan nina Gerald Anderson at Gigi de Lana.

Ito ang kauna-unahang acting project ng dalaga kaya aminadong kinabahan talaga siya. “Na-pressure ako kasi first time kong aarte tapos series pa, lead role agad. Very thankful ako kasi blessing ito at saka opportunity siya to learn new things. Ang tawag namin panibagong genre naman. So I’m excited agad at pressured,” bungad ni Gigi.

Matatandaang naging contestant noong 2016 sa Tawag ng Tanghalan ang singer. Sumikat si Gigi sa social media dahil sa ginawang live cover ng kantang Bakit Nga Ba Mahal Kita.

Bilang baguhan pa lamang sa pag-arte ay kinailangang mag-acting workshop ang dalaga. “I did workshops, tapos bago ‘yung script reading nanood ako ng movies. ‘Yung mga movies na pinanood ko almost the same sa series na Hello, Heart. Para ma-imbibe ko na rin ‘yung character ni Heart. Si Heart kasi ay very outgoing siya at saka parang lahat gagawin niya para sa family niya. Pinaglalaban niya kasi kung ano ‘yung totoo at saka kung ano ‘yung gusto niya. Ako kasi pinaglalaban ko naman pero kasi ‘pag nailaban ko na ‘yung pinakatodo ko. Minsan kasi gi-give up ako. ‘Yon lang siguro ang diffe­rence sa amin ni Heart,” pagdedetalye niya.

Aminado si Gigi na talagang nakaramdam siya ng pagkailang kay Gerald dahil matagal na siyang tagahanga ng aktor. Magkahalong emosyon ang naramdaman ng dalaga nang mabalitaan ang tungkol sa bagong proyekto. “Excited ako na kinakabahan. Kasi iniisip ko paano ba ako aarte eh batikan na siya. Napapanood ko si Gerald sa mga movie. Inisip ko na lang na marami akong matututunan sa taong ito. Na-intimidate ako sa kanya, pero kasi inisip ko, ‘Bakit ba ako mai-intimidate? Ipapakita ko na agad kung sino ako.’ So no’ng kaharap ko na siya, ‘Ay! Ang gwapo mo naman!’ Sinabi ko talaga sa kanya. At saka sobrang excited ko no’n kasi finally na-meet ko na ang one and only Gerald Anderson,” nakangiting kwento ng baguhang aktres.

‘Every day is a process’ – Maja

Halos dalawang dekada na ang nakalilipas mula nang madiskubre at makagawa ng mga proyekto si Maja Salvador sa ABS-CBN. Noong isang taon ay nagpasyang lisanin ng aktres ang Kapamilya network nang hindi na ito muling nabigyan ng prangkisa ng Kongreso.

Malaki ang pasasalamat ng dalaga sa ABS-CBN na kanyang naging tahanan sa loob ng labingwalong taon. “Every day is still a process for me, may proseso pa din sa akin. Of course 18 years with ABS-CBN, very grateful. Kung nasaan man ako ngayon, I am thankful, blessed ako and kung nasaan at kung ano man ang mga shows na ginagawa ko. But still, still, every day is a process pa din for me, ‘yung acceptance, ‘yung kung nasaan,” makahulugang pahayag ni Maja.

Napapanood ngayon ang aktres sa teleseryeng Niña Niño ng TV5 at Eat Bulaga ng GMA 7. Masayang-masaya si Maja dahil kabi-kabila pa rin ngayon ang ginagawang mga proyekto kahit wala na sa bakuran ng Kapamilya network.

(Reports from JCC)

vuukle comment

GERALD ANDERSON

GIGI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with