^

PSN Showbiz

Maja, naghihintay sa mala-doorknob na engagement ring!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Maja, naghihintay sa mala-doorknob na engagement ring!
Rhea Tan at Maja
STAR/ File

Uy waiting lang sa mala-’doorknob’ na diamond si Maja Salvador bago ayaing pakasal ang boyfriend na si Rambo Nuñez.

Biro niya, kung bibigyan siya ng ganun kala­king diamond ni Ms. Rei Tan ng Beautederm, siya na mismo ang mag-aalok at luluhod sa boyfriend para ikasal na sila.

Napag-usapan nga ang tungkol sa kanilang kasal dahil matagal-tagal na rin naman ang kanilang relasyon at nagkaroon ng rumor before na magpo-propose na si Rambo sa El Nido. “Well, nasa same page naman po kami, so may mga napag-uusapan, pero si God pa rin ang ano diyan. Sa tamang panahon po,”  paliwanag ng actress sa press launching ng bago niyang endorsement two days ago para sa Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters.

Samantala sinabi ni Maja na “every day it’s still a process for me,” nang kumustahin siya ni Mario Dumaual tungkol sa kalagayan niya ngayon.

“Of course with 18 years with ABS-CBN, very grateful.

“And hindi naman natin winish na mangyari kung ano ang nangyari sa ABS, ‘di ba? Kung nasaan man ako ngayon, I am thankful. Blessed ako, grateful ako kung ano man ang shows na ginagawa ko.

“But still, every day is a process pa rin for me. ‘Yung acceptance, kung nasaan. But I am happy.

“Kasi siguro po, sa 18 years ko na ‘yun sa industriya, nandun na ‘yung experiences ko at may mga taong nagtitiwala sa akin kaya ‘di po ulit tayo napapabayaan ni God.

“Masaya, grateful, but still nandun pa rin tayo sa paggising mo, proseso. ‘Ah, oo nga pala.’ Ganun,” mahaba niyang paliwanag.

Maaalang isa si Maja sa mga naunang tumanggap ng trabaho sa Brightlight Productions pagkatapos hindi magkaroon ng franchise and ABS-CBN at ngayon ay may programa siya sa TV5 na Niña Niño at regular na rin sa Eat Bulaga.

Anyway, magkasunod silang ini-launch ni Andrea Brillantes as brand ambassadors of Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters.

“Beautéderm is such a blessing and I am honored to be a brand ambassador of Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters,” pahayag ni Maja na naka-schedule magbakasyon ngayong Christmas season.

“Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters is the perfect set of supplements that are ideal for my lifestyle. I am a firm believer in balance – there’s a time to work and a time to unwind and have fun. But what is constant in my life is my conscious effort to stay healthy. Health is one of the most important aspects of my life that I really take the time to focus on every day.”

Sa part ni Ms. Rei, naisip niyang magkaroon sila ng health boosters matapos magka-COVID ang kanyang mga staff.

As in majority sa staff niya ang tinamaan ng virus, except her samantalang 98 lbs lang siya.

Kaya naman agad-agad niyang naisip na magkaroon sila ng mga produkto na pampalakas ng immune system.

“We have been working on Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters for a very long time and now that it is finally here,” pahayag ng 40-year old CEO na isinabay ang launching sa kanyang birthday celebration na nangako ring sasagutin ang reception ng kasal nina Maja at Rambo kung magiging ninang siya.

Made in Japan ang mga produkto at FDA approved.

Aktor na sikat, may nagbago

Aww sana ay hindi totoo ang isyu na ibang-iba na raw talaga ngayon ang ugali ng isang sikat na actor.

Hindi na raw basta-basta puwedeng kausapin at parang hindi natural ang kilos kumpara noon.

Pati raw ang mga sinasabi nito, medyo nagugulat sila.

Ang analysis nila, baka raw kasi nakakaramdam ito ng insecurities dahil nga parang nadagdagan ang kanyang mga kakumpetensya. Or baka rin naman daw nasobrahan na rin ng mga papuri sa kanya.

Sana raw ay hindi totoong nagbago na ang actor kasi nga mabait na mabait ang image niya sa lahat.

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with