^

PSN Showbiz

Elisse, may nadiskubre kay McCoy

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Elisse, may nadiskubre kay McCoy
Elisse, McCoy at Felize
STAR/ File

Mula nang magkaroon ng anak ay malaki na ang ipinagbago sa buhay nina Elisse Joson at McCoy de Leon. Mayroon ding mga bagay na natuklasan ang aktres kay McCoy mula nang maging isa na itong ganap na ama. “Nagbago in a positive way. Kay McCoy napansin ko sobrang naging patient siya. Kasi ngayon hindi lang siya sa akin magiging patient, pati sa baby namin kailangan doble ang pasensya kasi she’s still growing. Ngayon pa lang siya nagkakaroon ng pag-iisip. ‘Yung developmental stages niya ngayon pa lang. Sobrang patient niya sa aming dalawa. Sa akin parang mas naging understanding siya,” paglalahad ni Elisse.

Pitong buwang gulang na ngayon ang supling ng magkasintahan na si Felize. Mas naging reponsable raw si McCoy ngayon para sa kanyang mag-ina. “Sabi ko sa sarili ko mayroon na akong partner sa buhay, mayroon na rin akong anak, kailangan kong mag-adjust din,” giit ni McCoy.

Kamakailan lamang inamin ng magkasintahan sa publiko ang tungkol sa pagkakaroon nila ng anak. Ayon kay McCoy ay kakaibang karanasan noong mga panahong naglilihi pa lamang si Elisse sa Amerika. “Kapag naglilihi, na-experience ko na bibilhin kung ano ang gusto niya, kaso ang layo, US eh. Pero ‘yon nga, sabi ko babawi ako pag-uwi niya rito. Kumbaga lahat ng pag-aalaga na hindi ko naibigay sa kanya ay ibubuhos ko kapag nandito na siya. Ang hirap po kasi sa kanya, dala niya sa katawan. Ako, sa isip ko talaga, pressure. Kumbaga wala akong magawa. Nagdarasal ako sa Diyos palagi na sana safe po, healthy kasi ‘di biro ang pagbubuntis ‘di ba?” kwento ng aktor.

Rachel, gaganap na nanay ng Kabet

Ngayon lamang taon naging alaga ng Star Magic si Rachel Alejandro. Malaki ang pasasalamat ng singer sa pamunuan ng ABS-CBN dahil sa mga proyektong kanyang ginagawa ngayon. “About a year ago, nakaupo ako sa couch naming mag-asawa sa New York. Ito ‘yung kasagsagan ng pandemya and honestly I was looking into my future and parang hindi ko lang talaga makita. Parang, relevant pa ba ako? Kakanta pa ba ko? Parang ang layu-layo na ng possibility na magkaka-concert pa ulit or magkaka-album pa ulit. Naging maswerte naman and parang one thing happened after another.

“Una, nagkaroon ng offer to do this teleserye, my very first one under ABS-CBN. Pangalawa, nakausap din ng manager ko of more than a quarter of a century, si tita Girlie Rodis si Lauren Dyogi ng Star Magic and nagkataon din naman dahil si Tita Girlie is in the US and she plans to be there for a while. Naisip niya na ipaalaga muna ako sa Star Magic. So kinausap niya si direk Lauren and sabi naman ni direk Lauren, ‘We’ve always loved Rachel naman. We’ve always wanted to work with her,’” pagdedetalye ni Rachel.

Kasama ang singer-actress sa teleseryeng The Broken Marriage Vow na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Sue Ramirez at Zanjoe Marudo. Kasalukuyang nasa Baguio ang buong grupo ng naturang serye para sa kanilang lock-in taping. “I play the mom of the mistress who is played by Sue Ramirez. Ang ganda ng arc ng istorya niya. Ito ‘yung pangalawang cycle namin dito. At least nag-uumpisa na mag-open up ang Baguio and gumaganda na rin ang sitwasyon sa Metro Manila. We’re very excited to be here. Napakasaya lang talaga ng shoot namin. I’m going to be here probably at least by the middle of December. So halos mag-Pasko na rin bago ako makakabalik sa asawa ko sa US to spend Christmas there,” pagbabahagi niya.

Bukod sa bagong teleserye ay nakapaglunsad na rin si Rachel ng kanyang kauna-unahang digital album sa pamamahala ng Star Music. “Eleven years akong walang album and parang iniisip mo kung gusto pa ba ako ng mga tao. Nandiyan pa ba ‘yung fans? ‘Yung mga sumusubaybay sa mga awitin ko, sa mga luma kong kanta? Hopefully naman nandiyan pa nga sila,” pagtatapos ng singer-actress.

(Reports from JCC)

vuukle comment

MCCOY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with