^

PSN Showbiz

Kilig treat ng kapamilya loveteams at bonggang ‘80s kantahan, babalikan sa ASAP

Pilipino Star Ngayon

Patapos man ang November pero tuluy-tuloy pa rin sa pagbibigay saya ang mga paborito ninyong Kapamilya idol, tampok ang best-of-the-best kilig treat ng mga paborito ninyong loveteam, isang bonggang ‘80s kantahan mula sa mga naglalakihang OPM star, at bonus fresh musical acts ngayong Linggo (Nob. 28) sa ASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Kiliging muli sa pasorpresa ng paborito ninyong Kapamilya loveteams nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, Kyle Echarri at Francine Diaz, Aljon Mendoza at Karina Bautista, pati Kobie Brown at Andie Abaya, na susundan ng matinding sayawan mula kina Maymay Entrata, Enchong Dee, Ronnie Alonte, Jameson Blake, Chie Filomeno, Ashley Colet, Kurt Mendoza, Ashley del Mundo, at Drey Brown.

Panooring muli ang bigating ‘80s kantahan nina Ogie Alcasid, Erik Santos, Angeline Quinto, Zsa Zsa Padilla, at Regine Velasquez sa The Greatest Showdown.

Todo-todo pa ang saya na dala ng novelty hits performance ng inyong  ASAP Natin ‘To family, kasama sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Vivoree Esclito, at iba pa. Makiki-party rin ang mga paborito ninyong heartthrob na sina Joshua Garcia, Inigo Pascual, at Darren.

Balikan naman ang mga bigating ASAP performance na nagpamangha sa atin, tulad ng mga transformation nina Erik Santos, Nina, at AC Bonifacio; todo-bigay na duet performances mula sa New Gen Birit singers na sina Sheena Belarmino, JM Yosures, Lara Maigue, Anthony Castillo, Janine Berdin, Sam Mangubat, Elha Nympha, and Reiven Umali; at ang senti kantahan session nina Moira dela Torre, Klarisse de Guzman, at KZ.

vuukle comment

OPM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with