^

PSN Showbiz

Arjo noon pa pangarap maglingkod, pagtulong sa franchise ng Kapamilya kasama sa gustong gawin sa Kongreso

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Arjo noon pa pangarap maglingkod, pagtulong sa franchise ng Kapamilya kasama sa gustong gawin sa Kongreso
Sylvia at Arjo
STAR/ File

Gusto niya talagang manungkulan, bata pa lang siya,” banggit ng magaling na aktres na si Sylvia Sanchez nang tanungin ko kung kelan siya nagkaroon ng idea na interesado si Arjo pulitika.

“At alam ko tatakbo siya, hindi ko alam kung kailan. Kaya nang sabihin niya sa akin na handa na siya, ito na ang right time para sa kanya, go agad ako,” dagdag pa ng isa sa mga bida ng taleseryeng Huwag Kang Mangamba na magtatapos na three weeks from now.

Naalala pa ng magaling na aktres na siyam na taon pa lang ang anak, tumutulong na ito sa kanyang probinsiya, sa Punta Nasipit, Agusan del Norte.

“Naalala ko every summer and Christmas nagbabakasyon kami sa Punta at talagang namimigay sila ng tulong. Kaya noon pa lang expose na siya sa mga kumbaga, kawanggawa,” pag-aalala ng actress.

At si Ria raw noon, seven years old, ang kasa-kasama ni Arjo.

Ang Barangay Punta, Nasipit, ang hometown ng Kapamilya actress.

At hindi raw ‘yun natigil hanggang lumaki na si Arjo although nang maging busy na siya sa showbiz, hindi na siya nakakapunta doon pero hindi ito tumigil sa pagtulong.

“At nung High school siya seryoso na siya, talagang nagsasabi na siya, ‘Gusto kong manungkulan, mommy. Gusto kong tumulong.’ Sabi ko, ‘Makakatulong ka naman kahit wala ka sa puwesto.’ Sagot niya, ‘Mas makakatulong ako kapag nasa puwesto ako, mommy,’”

Kaya talagang hindi na siya nagulat nang magpaalam ang actor na ito na, kakandidato siyang congressman sa District 1 ng Quezon City.

Hindi naman siya nahirapang umoo dahil alam niyang handa ang anak. Lalo na nang malaman pa niyang kasama ito sa partido ni QC Mayor Joy Belmonte.

Marami raw gustong gustong gawin ang anak lalo na nga at nasuyod nito ang District 1 at nakita  ang mga proglema.

Kasama si Arjo sa maraming bagong dugong politician na kakandidato sa 2022.

Sa ngayon ay nakahanda na ang pamilya ng actor sa pag-uumpisa ng kampanya sa November pahayag pa ng award winning actress.

Plantsado na ang lahat.

“Kapag pinalad, pinagkatiwalaan ng mga tao, nakapuwesto, iga-guide naming mag-asawa para hindi naman masusulsulan and hindi naman maliligaw. Kabado, yes, pero suporta, 1,000%,” banggit pa niya sa media conference para sa Huwag Kang Mangamba the other night.

At isa sa mga plano niya pag nakarating ng Kongreso, tulungan ang mga kapamilya niyang nawalan ng trabaho.

“Nalungkot siya para sa lahat ng Kapamilya, sa mga kaibigan sa loob, mga Kapamilya natanggalan ng trabaho tapos pandemic pa,” aniya pa.

“Na sana mabalik ang franchise, sa tamang proseso, sa tamang usapan, magkalinawagan at magkasundo,” dagdag pa niya sa aming interview.

“Magandang rason ‘yun kasi sabi nga niya, ‘Ma, ang daming naghihirap. Ang daming kawawang Kapamilya. Gusto ko lang silang tulungan.’ So nakikita niya ‘yung paghihirap ng lahat kaya mas pursigido siya na tumakbo. Isa talaga iyan sa reasons,” pagdidiin pa niya.

Anyway, going back to HKM, ano naman ang mga natutunan niyang lesson sa kanyang previous projects na sa tingin niya ay nai-apply niya sa magtatapos niyang teleserye?

“Ang natutunan ko, lahat naman ng mga nakaraan kong proyekto lahat bawat proyekto marami akong natutunan. Ang lagi ko natutunan yung sinasabi ko nga, yung sini-share ko sa lahat ng mga bata, yung mga bagets ngayon na sinasabi ko sa kanila makisama, matutong mag hi, rumespeto ng mga senior. Pag hindi nyo maintindihan yung ipapagawa sa inyo wag kayo mahiyang magtanong sa directors, sa mga co- actor n’yo kasi dun sila natututo, dun ako natuto.”

Abangan ang laban ng kabutihan at kasamaan sa huling tatlong linggo ng Huwag Kang Mangamba sa Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, WeTV, at iflix.

vuukle comment

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with