^

PSN Showbiz

Joshua, grabe ang pasasalamat sa KathNiel

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joshua, grabe ang pasasalamat sa KathNiel
Joshua at mga kaibigan
STAR/ File

Malaki ang pasasalamat ni Joshua Garcia sa mga kaibigang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ayon kay Joshua ay palaging nariyan para sa kanya ang magkasintahan.

Unang nakatrabaho ng aktor ang KathNiel sa pelikulang Barcelona: A Love Untold noong 2016. Mula noon ay naging malapit na silang magkakaibigan. “Sila kasi ‘yung nandoon sa akin no’ng time na nag-pandemic at nakakulong lang lagi ako sa kwarto. Hindi kasi ako mahilig lumabas. So ang laking tulong na ginawa nila na lumalabas kami. Ang dami naming activities na ginagawa and sila rin kasi ‘yung nandiyan para sa akin. Hindi sila nawala kahit na aminado ako nawala ako. Sobrang pasasalamat lang at sobrang grateful ako na nadiyan sila para sa akin. I think sobrang swerte ko na naging kaibigan ko sila,” paglalahad ni Joshua.

Samantala, sa susunod na buwan ay mapapanood ang aktor sa teleseryeng Viral Scandal. Si Charlie Dizon ang bagong katambal ni Joshua para sa bagong proyekto.

Para sa binata ay kailangang pakaabangan ng mga tagahanga ang Viral Scandal dahil napapanahon ang takbo ng istorya nito. “Ang daming nagva-viral na videos ngayon at napakagaling ng mga cast, ng director. Siyempre ‘yung lesson na nabibigay ng mga tao, ‘yung matututunan ng mga tao,” giit ng binata.

Ayon kay Joshua ay kailangang maging maingat ng bawat isa upang hindi masangkot sa isang malisyosong eskandalo. “Unfair talaga kahit hindi babae. Talagang masama and for me sana ‘yung mga tao mas maging open at alamin nila ‘yung facts sa talagang nangyari. Kasi ‘yon ‘yung mahirap sa panahon ngayon na dyina-judge lang ng tao base sa nakikita nilang kumakalat,” pagbabahagi ng binata.

Heaven, gumastos ng P500k sa lalaki

Kumpirmadong nagkahiwalay na sina Heaven Peralejo at Kiko Estrada bilang magkasintahan.

Matatandaang umamin ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon nitong Agosto lamang. Sa bagong video blog ni Heaven ay inamin niya sa netizens ang tunay na estado ng kanyang puso ngayon. “Oh my god! Okay, I’m single but not ready to mingle,” pagtatapat ni Heaven.

Sa naturang vlog ay inamin din ng aktres na gumastos na siya ng kalahating milyon para sa lalaking kanyang nakarelasyon noon. Matatandaang naging kontrobersyal noon ang paghihiwalay nina Heaven at ang panganay na anak nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel. Si Kiko naman ang pangatlong naging kasintahan at mayroon pang isa na hindi na ipinaalam sa publiko ng aktres. “Basta, malaki like P500K. Kasi kapag nagmahal ako as in all out. Gano’n ako kahit anybody else, like family. Eh kasi parang mahal ko kayo eh. So pera lang ‘yan, matratrabaho ko ‘yan.

“Hindi ko naman nire-regret like minahal ko naman siya eh,” pagbubulgar ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with