^

PSN Showbiz

Pauleen, super display ng beach body

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pauleen, super display ng beach body
Pauleen
STAR/ File

Hanga ako sa pag-aalaga ni Pauleen Luna-Sotto sa katawan niya ngayon ha.

Imagine mo nakaka­suot na siya ng bikini ngayon dahil fit na fit ang body niya. At parang proud na proud si Vic Sotto sa katawan ng misis lalo na nga at nasa Amanpulo sila pa ra kanilang beach vacation kung saan super display talaga ng sexy body si Pauleen.

Hindi talaga maitago ang happiness sa pamilya Sotto. Ngayon pinaka-blooming si Pauleen, at poging-pogi si Bossing Vic. Happy inside and out, kaya naman lucky Talitha dahil happy home sila.

Siguro pinaka-happy sa lahat si Mommy Chat ni Pauleen dahil nakita niya na hindi nagkamali sa pagpili ng partner sa buhay ang anak na si Pauleen.

Iyan ang laging wish ng isang mother, na sana ang anak nila ay makatagpo ng lalaki na magmamahal at mag-aalaga rito.

Ngayon kitang-kita ang good choice ni Pauleen kay Vic . Happy lahat, lalo na si Mommy Chat.

Gretchen at Dominique, parang magkapatid lang!

Kahit pa nga 50 years old na si Gretchen Barretto, walang tatalo sa pagiging fashionista niya. ‘Yung latest pictorial niya na proud na proud siya to be future mother of the bride dahil engaged na ang anak na si Dominique, parang magkapatid lang sila.

Happy person din si Gretchen kaya siguro hindi tumatanda. Kaya siguro ‘yung generosity niya now na pagbibigay ng premium rice, love box at wheelchair lalo pang nakadagdag sa beauty niya.

Siyempre ‘yung happiness ng lahat nang nabigyan nakadagdag energy kay Gretchen kaya naman ang daming tao na tuwang-tuwa sa kanya.

Now we know why kung bakit parang ang suwerte-suwerte ni Gretchen. Kasi nga alam niyang mag-share, alam niyang magbigay. And with the help of Ana Abiera mas lalo pa siyang maraming nabibigyan. Bongga ang team love box nila, now palang inihahanda na ang Pamaskong handog.

vuukle comment

PAULEEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with