^

PSN Showbiz

Political news, nakikipagsapawan sa mga intriga sa showbiz

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kaloka ‘yung mga lumalabas na issues sa mga kandidato ha.

Grabe ang mga banatan dahil na nga siguro wala ‘yung mga kampanya at rally, ‘yung banat nasa print at social media na.

Kailangan talagang mag-ingay para mabasa sa print, dahil wala na ngang ibang platforms kung saan puwede kang bumanat.

Kaloka tuloy na ang dami mong nababasa na mga hindi mo dati alam tungkol sa isang tumatakbo na kandidato.

Ang hirap pang magtago ngayon dahil nga sa social media na madaling magpakalat ng balita.

Bongga talaga ang eleksiyon, laging maingay, at ‘pag medyo pikon ka, talo ka na agad. Mas matindi ngayon ang political news kesa showbiz. 

Dongyan, gusto ng privacy para sa mga anak

Maganda ‘yung decision nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na hindi na gaanong i-post sa social media ang photos ng dalawa nilang anak na sina Zia at Ziggy.

Kasi nga kahit paano dapat din guarded ang privacy ng dalawang bata lalo pa nga at lumalaki na ang mga ito.

Saka siyempre mas maganda na sabik ang lahat sa pagbabantay ng growth nina Zia at Ziggy, mas maganda nang hindi sila laging naka-expose. ‘Yung gulatin na lang tayo bigla na hayan, teeners na sila.

Kasi nga para ring mga superstar ang dalawang anak nila, inaabangan ang bawat kilos at talagang meron na ring fans.

Katuwa nga dahil parang at home na rin sa camera kaya ang gaganda nilang tingnan.

 

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with