^

PSN Showbiz

Kylie inaapelang ipasa na ang divorce bill!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kylie inaapelang ipasa na ang divorce bill!
Aljur

Resbak sa pasabog ni Aljur...

#passdivorcebill lang ang animo’y sagot ni Kylie Padilla matapos ang bombshell ng asawa niyang si Aljur Abrenica sa social media na nauna diumano siyang nangaliwa.

Nadadawit ang pangalan ni JM de Guzman, pero walang makitang basis ang ilang nagkukuwento.

Though may nagsasabi rin namang isang tattoo artist diumano ang nakikitang kasama ni Kylie at may ilan pa raw pagkakataon na nakikitang kahalikan diumano ito ng anak ng senatoriable na si Robin Padilla.

At bukod sa apela niyang ipasa na ang divorce bill, meron din siyang Instagram story ng kantang Easy On Me (Adele) and Happier than Ever (Billie Eilish).

Anyway, grabe massive ang reaction ng netizens sa pasabog ni Aljur. As in habang sinusulat namin ito, 205k na ang number of shares nito at 344K ang comments.

‘Yun nga lang may kasama ‘yung panlalait. As in kailangan daw nila ng interpreter, habang may nagko-comment naman na may deadline ang gagawing reaction paper ng mga sumasali sa usapan.

At kasama nga sa nag-share ng nasabing status ni Aljur ang ina ng sinasabing karelasyon ngayon ng aktor na si AJ Raval, na ang tatay ay ang action star na si Jeric Raval.

Nag-status ang mother nito na si Alyssa Alvares na kumalat din sa social media kahapon: “He told me everything from the start, para makilala ko Ang pagkatao nya, kung karapat dapat ba syang tanggapin ng pamilya namin. Tao syang lumapit sa amin kaya tao din namin syang tinaggap. I kept my mouth shut. Nung nag ka issue na. mas pinili Kong masaktan para sa ank ko, dahil alam ko darating Ang Araw lalabas Ang totoo . kinain ko lahat ng mga pinagsasabi sa akin namasakit ng mga walang alam sa nangyayari. Para lang wag na lumaki pa. Pero nag papasalamat Ako “anak” kase tinupad mo Ang sinabi mong di mo kami pababayaan.. alam ko Hindi lang ito para sa amin, pati narin sa mga taong nagmamahal at nasasaktan para sayo ..”

Anyway, isa lang sure dito, natabunan nito ang kontrobersiya noon nina Paolo Contis, LJ Reyes and Yen Santos.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with