^

PSN Showbiz

Ruffa, mas gustong magkaroon ng posisyon sa DOT, kesa kumandidatong konsehal

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ruffa, mas gustong magkaroon ng posisyon sa DOT, kesa kumandidatong konsehal
Ruffa

Laking-gulat ni Ruffa Gutierrez nang marinig ang isyung nag-uugnay sa kanilang dalawa ni Herbert Bautista. Matatandaang huling nagkasama ang dalawa sa The House Arrest of Us na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla noong isang taon. “Talaga? hindi ko nga alam eh. Si Kuya na naging Mayor, ngayon Senador na (kandidato sa pagka-Senador),” bungad ni Ruffa.

Para sa aktres ay mabuting tao talaga si Herbert kaya suportado rin nito ang pagiging kandidato ng actor-politician sa susunod na taon. “Let’s support him naman. He’s a nice person and may pinag-aralan,” giit niya.

Samantala, maraming kasamahan sa show business ang naghahangad na manungkulan sa gobyerno simula sa susunod na taon.

Ayon kay Ruffa ay marami na ring nag-alok sa kanya na subukan ang mundo ng pulitika. “Marami nang kumukuha sa akin maging konsehal, party list sa Quezon City or sa Cebu. Talagang sabi ko hindi, nag-e-enjoy ako sa buhay showbiz. Ayaw kong pumasok sa isang bagay na alam kong hindi ko magagawa ang best ko. And if ever pumasok ako sa politics, gusto ko talaga ‘yung parang Department of Foreign Affairs, secretary of Tourism na pwede akong pumunta sa ibang bansa to represent the Philippines. Parang feeling ko mas bagay sa akin ‘yung ganoong position, hindi ‘yung botohan pa, appointment. I really enjoy doing na bagay sa akin at sa knowledge na alam ko. Mangangampanya na lang ako sa friends ko,” pagbabahagi ng aktres.

Beks battalion, walang selosan

Sumikat ang Beks Battalion na kinabibilangan nina Lassy Marquez, MC Muah at Chad Kinis dahil sa masasayang content ng kanilang You Tube channel. Bukod sa naturang channel na mayroon ng 2 million subscribers ngayon ay may kanya-kanyang proyekto rin na ginagawa ang magkakaibigan.

Ayon kay Lassy ay hindi nagkakaroon ng inggitan sa kanilang tatlo. “Sa Beks Battalion naman is walang selosan. Gano’n kaming tatlo eh. Kapag may isang project sa amin, may magandang mangyayari, go, pinu-push namin ang bawat isa, na bagay sa ‘yo ‘yan, go lang. Suportahan kami sa Beks Battalion na wala talagang selosan. Ang tagumpay ng isa, tagumpay na rin naming tatlo dahil grupo kami,” paglalahad ni Lassy.

Masayang-masaya ang komed­yante dahil nakapagbida sa pelikulang Sarap Mong Patayin kasama sina Ariella Arida at Kit Thompson. Malaki ang pasasalamat ni Lassy sa direktor ng naturang proyekto na si Darryl Yap dahil sa pagtitiwala sa kanya. “Napakagandang epekto talaga na makatrabaho si direk Darryl. Nakaka-excite din dahil kauna-unahang director ko din siya. Noong una kinabahan kasi talagang sikat si direk sa social media. Napakasarap na katrabaho ni direk,” pahayag ng komedyante.

(Reports from JCC)

vuukle comment

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with