^

PSN Showbiz

Maine, ayaw nang magsalita sa pambo-boycott ng fans!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Maine, ayaw nang magsalita sa pambo-boycott ng fans!
Maine

Nagpaka-safe si Maine Mendoza at hindi sinagot ang isyung sangkot ang fans niya.

Sa nakaraang virtual mediacon ng third anniversary ng Daddy’s Gurl, tinanong namin si Maine kung ano ang naramdaman niya nang minsang nagdeklara ang ilang grupo ng fans nila ni Alden Richards na ibu-boycott nila ang naturang sitcom at iba pang programa kagaya ng Eat Bulaga.

Pero parang di naman umepek ang boycott nila dahil mataas pa rin ang rating ng Daddy’s Gurl at kung bumaba man, bahagya lang.

Hiningan namin ng reaksyon si Maine kaugnay dito, pero nakakaaliw ang sagot niyang; “I invoke my right to remain silent para wala ng issue. Parang wala naman ng issue kasi. Alam n’yo naman ang hirap na. Kung ano po ‘yung lumalabas sa bibig natin, baka ma-misinterpret.”

Kaya hindi na namin siya pinilit.

Kahit nga binanggit ng director nilang si Chris Martinez na abangan ang bago nilang ipa-partner kay Maine, napapangiti lang ang aktres.

Kasabay ng celebration ng third anniversary ng Daddy’s Gurl, ipapakilala nila ang mga bagong mukhang magiging regular nito.

Ipapakilala ang tatlong hunks sa Sabado na gaganap na mga bagong boarders sa bahay nina Stacey (Maine) at Daddy Barak (Bossing Vic Sotto).

Sila ang mga bagong mukhang sina Prince Clemente, galing ng Starstruck, ang Mr. Pogi 2019 na si Carlo San Juan, at ang commercial model at basketball player na si Prince Carlos.

Dagdag din sa cast ang komedyanteng nakilala sa live streaming na si Jem Manicad. “Sa Saturday po malalaman natin…mari-reveal po sa kuwento kung paano po nakapasok ang tatlong ito,” pakli ni direk Chris Martinez.

Nabanggit nga ni direk Chris na meron pang isang madadagdag na magiging boyfriend dito ni Stacey na ginagampanan ni Maine. Nagpa-audition na raw sila at meron na raw silang napili at malapit na rin nilang ipapakilala.

Aktres na tumangging magsalita ng malalaswa sa pelikula, tinanggal ni Direk Joel

Ang bongga talaga ni direk Joel Lamangan!

Ilang linggo lang siyang nag-break pagkatapos ng pelikulang Moonlight Butterfly, meron na naman siyang sisimulan na matagal na talaga niyang gustong gawin.

Pinamagatang Walker ang susunod niyang pelikula ay ipu-produce ng bagong film production na New Sunrise Films.

Forte naman kasi talaga ni direk Joel ang pelikulang tumatalakay sa social reality, at swak na swak itong Walker na kuwento ng isang pamilya ng mga prostitutes sa isang squatter’s area sa Cavite.

‘Padyokad’ o ‘pa-walk’ ang tawag nila sa trabahong ito na kung saan ang nanay na gagampanan ni Rita Avila ay ibinugaw din niya at ginawang pa-walk o walker ang mga anak niya.

Sa story conference nito nung nakaraang Martes ng gabi, nandun ang buong cast at hindi naman itinanggi ni direk Joel na bago nila kinuha si Rita, meron silang isang kilalang aktres na iniisip nilang gaganap nito.

Pagkatapos basahin nung aktres ang script, kinausap daw nito si direk Joel na parang hindi raw niya kaya ang ibang dialogue dahil kailangan niyang magmura. Siyempre, nasa squatters area iyun at ‘walker’ ang karakter na gagampanan, normal nang mga mura ang lumalabas sa bibig nito.

Hindi raw kaya nung aktres, kaya nag-request daw ito kay direk Joel kung puwedeng palitan ‘yung dialogue o ibang terms. Ayaw ni direk siyempre!

“Isa siya sa mga natanong. Hindi pa siya naka-cast, natanong pa lang. Ang isang limitasyon niya, hindi niya masabi ‘yung ibang mga sasabihin nung karakter.

“Hindi niya naiintindihan na hindi naman siya ang nagsasalita kundi yung karakter. Gumaganap lang siya.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with